Ellen Adarna umaming na-insecure kay Kristine Hermosa, napanganga nang makita sa personal: ‘What the hell?’
SINONG mag-aakala na ang isang Ellen Adarna na may magandang mukha at flawless na kutis ay minsan ding na-insecure kay Kristine Hermosa?
Yes, BANDERA readers inamin ito ni Ellen sa isang video at sinabing pinanonood niya ang make-up video ng magandang wifey ni Oyo Sotto na nagsimula noong Pebrero dahil naghahanda ito sa Valentine’s date nilang mag-asawa.
Nagkomento na rito si Ellen ng, “Ang ganda talaga, eh” na sinagot naman ni Kristine ng, “Nyak thank you!”
View this post on Instagram
Sa isang viral live video na Q&A kay Ellen ay natanong siya ng Team Kristine Hermosa account sa Instagram kung sino ang girl crush niya sa local at international actress at dito niya sinabi ang pangalan ng Tin.
Ang nasabing IG account ay may 1 million followers at ang nasabing video ay meron ng mahigit 500,000 views with 18,000 engagements at 327 comments.
Ang sagot ni Ellen, “Sa local, day, Kristine Hermosa. I saw her for the first time 12 years ago, I was doing Piana Forma (fitness studio) I don’t think she noticed me but she walked in. I was sitting down.”
Baka Bet Mo: Kristine Hermosa ibinoto nga ba si Bongbong Marcos?
Kapag napapanood ni Ellen si Kristine sa telebisyon ay gandang-ganda na siya pero mas nagulat siya nang makita niya ito nang malapitan, “It was the first time I saw her. I thought she was pretty sa TV, ‘Yeah pretty.’
(Nanlalaki ang mga mata ng Cebuana beauty), “But when I saw her in person, I was like, ‘What the hell?’
“Na-insecure ako, I mean ang taas ng standard ko, so, pagkita ko niya (Visayan accent) hala, mas guwapa niya,” balik-alaala ni Mrs. Derek Ramsay.
View this post on Instagram
May sinasabi pa si Ellen in Visayan dialect at sabay sabing, “You cannot argue because she’s really beautiful, so, there si Kristine Hermosa ang (girl crush sa local) and international forever Angelina Jolie.”
Isa-isa naming binasa ang mga komento at 100% ay sumang-ayon kay Ellen na maganda nga ang aktres, natural beauty, walang katulad at kahit buntis daw noon na nakikita ng netizens sa mall ay maganda pa rin, mabait at hindi suplada.
Sa Setyembre 9 ay 40 years old na si Kristine at may lima na silang anak ni Oyo. Si Ellen ay edad 35 na noong Abril 2 with one kid, si Elias Modesto.
Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak
Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.