Kristine Hermosa binansagang 'Song Hye Kyo' ng Pilipinas, hirit ni Oyo Boy: Pakasalan kita dyan eh | Bandera

Kristine Hermosa binansagang ‘Song Hye Kyo’ ng Pilipinas, hirit ni Oyo Boy: Pakasalan kita dyan eh

Reggee Bonoan |June 09,2023
facebook
share this

Kristine Hermosa binansagang ‘Song Hye Kyo’ ng Pilipinas, hirit ni Oyo Boy: Pakasalan kita dyan eh

Reggee Bonoan - June 09, 2023 - 02:02 PM

Khristine Hermosa binansagang 'Song Hye Kyo' ng Pilipinas, hirit ni Oyo Boy: Pakasalan kita dyan eh

TINAWAG na “Song Hye Kyo of the Philippines” ng isang netizen ang magandang misis ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa-Sotto.

Ito ang nabasa naming komento sa viral photos ng dating aktres nang dumalo siya sa nakaraang Unveil 2023 fashion Show na ginanap sa Edsa Shangri-La Manila, Mandaluyong City dahil walang kupas ang ganda nito kahit may lima na silang anak ng asawang si Oyo.

Base sa post ng Nice Print Photography sa Facebook account nito kamakailan ay almost 2,000 ang nag-heart at like sa mga larawan ng dating aktres at almost 200 shares naman.

Ayon sa netizen na si @Kel Cian Dacula Bernales, “Iba tlga ang ganda ni miss Kristine di nakakasawa.”

Sinundan ni @Rechel Caneo, “Timeless beauty.”

Mula kay @Judy Ann San Jose – Nartates, “Wala prin kupas cmula pa ng Pangako Sa’Yo idol ko na to .. npaka ganda prin hanggang ngaun.”

Tinawag naman ni @Steffi Cheon si Kristine ng, “dyosaaa.”

Say naman ni @Joan Carlisle, “Before Marian Rivera si Kristine Hermosa talaga gandang-ganda ako sa showbiz.”

Ayon kay @Jëng Cåni, “Mare ang ganda mo pa rin kahit dami na babies. Lab yu.”

Sabi rin ni @Ruth Ready, “Love her. love her.”

Baka  Bet Mo: Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga

Paniniwala ni @Ling Salvador Gorgonio, “Walang kupas Ganda pa din para walang sign of aging.”

Isa sa nakasubaybay ng showbiz career ni Kristine na si @Mhafe Aureada, “Since Pangako Sa ‘Yo days, my hyskul days eh Ang Ganda n tlg nya 2 dekada n nakalipas but still beautiful and more beautiful p lalu parang walang anak eh.. Sene ell tlg.”

Reaksyon ni @Karen Cardona, “Gandang natural walang halong kemikal.”

Paniniwala ni @Jie-ann Abadilla Reyes, “Kristine Hermosa” Supremacy.”

Gayun din si @Michelle Hanna, “Beautiful as always. Parang hindi nanganak!”

At girl crush naman ni @Agatha Yusin Regalado Ricafort, “90’s crush till now. Diyosa.”

Napakarami pang komentong nabasa namin na halos iisa ang sinasabi na walang kupas ang ganda ng dating aktres at may nagsabing ang suwerte raw ni Oyo.

In fairness din naman ay masuwerte rin si Kristin kay Oyo dahil ideal husband at father sa lima nilang anak.

Sa 12 years of marriage nina Oyo at Tin ay walang nabalitang malaking away ang dalawa at wala ring balitang tumingin sa ibang babae ang aktor.

Kaya naman sobrang proud ang hubby ni Kristine sa pinost nitong larawan niya na kinunan sa kasal ng ate Kathleen Hermosa niya nitong isang araw. Hindi nakatingin si Tin dahil tinitingnan niya ang sapatos niya.

Ang caption ni Oyo, “Grabe naman. Pakasalan kita dyan eh.”

Reaksyon ng wifey ni Vic Sotto na si @pauleenlunasotto, “Wala na! Tapos na ang laban!”

Natawa kami sa komento ni @dodielicious, “Dapat ipagbawal umattend ng kasal ito, natatabunan ‘yung ikakasal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak

Kristine Hermosa napa-throwback, hindi makapaniwalang 12 years nang kasal kay Oyo Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending