Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga | Bandera

Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga

Reggee Bonoan |November 12,2022
facebook
share this

Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga

Reggee Bonoan - November 12, 2022 - 06:55 PM

Kristine Hermosa game na game sa pagsayaw kasama ang mga anak, netizens napahanga

BASE sa mga nakapanood ng video post ni Kristine Hermosa sa Instagram account ay tuwang-tuwa sila sa bonding mag-iina habang sumasayaw kasama ang dalawang anak na sina Kaleb (8 years old)  at si Vin (6 years old).

Hindi naman kasi nakikitang sumasayaw ang asawa ni Oyo Sotto kaya marami ang natuwa nang mapanood siya lalo’t maganda pa rin ang pangangatawan nito kahit may lima na silang anak.

Base sa caption ng post ni Kristine kasama sina Kaleb at Vin, “Hello Moms! It’s time to get your kids and join in the fun!”

Ang hipag ni Tin na si Danica Sotto-Pingris ang unang nagkomento, “Luveeettt! More!”

Next si @joywsotto, “Cute nyo! (emoji heart).” Siya ang maybahay ng Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Sotto.

At naka-trabaho ni Kristine sa maraming teleserye sa ABS-CBN na si Kaye Abad na ngayon ay nakabase sa Cebu para makapiling ang asawang si Paul Jake Castillo at dalawa nilang anak na lalaki.

Say ni Kaye, “Ang sexy!”

Hindi rin nagpahuli ang asawa ni Vic Sotto ngayon na si @pauleenlunasotto, “Sexy naman!!”

Bale stepmom ni Oyo si Pauleen pero dahil mas matanda pa siya kaya kaya first name basis ang tawag niya gayun din si Danica na ate naman ng aktor.

May mga netizens din na bumati kay Kristine tulad ni @rosarioyangoberhauser, “Halatang mga disiplinado mga Anak! Ganda pa din ng Mami. (emojis thumbs up).”

Pareho kasing disciplinarian sina Oyo at Kristine at namamalo rin sila kapag kailangan.

Mula kay @rosalyn.rojas.58, “Ang pogi ni vin at Kaleb.”

Say ni @ijo_rudin, “Iba ang Kristine Hermosa.”

Tanong ni @marveylovey, “Hala paano na maintain ng ganyan ka-sexy samantalang 5 na anak OMG grabi mukhang dalaga pa din.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)

Sabi rin ni @dayne998, “Hala ang payat mo na Miss Tin you look soooo good (emoji hearts).

Gayun din si @wangongbak, “Walang kakupas kupas. Ganda Ganda at Sexy Sexy pa din.”

Pakiusap ni @produ30ako, “Lodi pwede ba gawa ka ng YouTube ​channel mo.​ Make sure dami tlgang susuporta at manonood ng YouTube Channel Mas lalo nyung mga diehard fans mo Isa nako.​Dun.”

Komento ni @lynefit, “Your so so classy mom and kids so cute.”

Obserbasyon ni @alluringface, “So adorable! Love the laughs in the end.”

Mula kay @delarosacristal, “Wowww wowww nmn galing galing ng mag iina (emojis clapping hands)

Cool mom daw si Kristine sabi ni @georgiabee____, “ang cool talaga ni mommy tin.”

Related Chika:
Kristine Hermosa: Grabe pala talaga ang sakripisyo ng mga ina kaya mas na-appreciate ko pa ang lahat ng nanay sa mundo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV

Kristine kumasa sa bagong challenge; may pa-tribute kay Oyo at sa 4 na anak

Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending