Kristine: Grabe pala talaga ang sakripisyo ng mga ina kaya mas na-appreciate ko pa ang lahat ng nanay sa mundo
“I READ a post in your Instagram that you’re thanking God for being a mother, ang ganda nu’n,” ang bati ni Boy Abunda kay Kristine Hermosa-Sotto sa panayam nito para sa “The Boy Abunda Talk Channel” na in-upload ngayong araw.
Nakangiting sabi naman ni Kristine, “Yes, Tito Boy kasi hindi lahat nae-experience (mother) ‘yan.”
Nang ikasal at magkaroon ng mga anak si Kristine sa asawang si Oyo Boy Sotto ay mas pinili na nitong maging full time wife and mom kaya ang tanong ng host, “Tin, ‘yung paghinto mo sa celebrity business, was it deliberate?”
“Actually tito Boy, it was my choice. Choice ko ‘yun kasi medyo too much na ako (showbiz). Kumbaga nawala rin ‘yung childhood, which happy ako kasi nabigyan din ako ng pagkakataon to experience that,” diretsong sagot ng magandang wifey ni Oyo.
Edad 12 nang ma-discover si Kristine sa ABS-CBN nang samahan niya ang Ate Kathleen Hermosa niyang mag-audition at ang unang TV exposure ng aktres ay “Ang TV” noong 1983 hanggang sa nagtuluy-tuloy na.
Taong 2011 naman nang ikasal sila ni Oyo at simula noon ay naging maybahay na si Tin. Bagama’t may mga guesting siya sa sitcom ng asawa at biyenang si Vic Sotto sa GMA 7 ay mabibilang lang ito sa daliri at ang huli niyang serye sa Kapamilya ay ang “Bagani” noong 2018.
Sa pagpapatuloy ng panayam ni Boy kay Kristine ay nabanggit ng host na ang ibang artistang nag-aasawa ay pasulput-sulpot sa showbiz hindi katulad ng hulu na dumiretso sa pagiging nanay sa limang mga anak nila ni Oyo na sina Quiel, Ondrea, Kaleb, Vin at Baby Isaac.
“Well, maliliit pa ang mga anak ko, hindi ko puwedeng hati-hati. I can do that (bumalik sa showbiz) kung pipiliin ko.
“Pero mas pinipili ko to stay with them alalayan sila hanggang sa lumaki sila. Siguro kapag malalaki na sila, siguro unti-unting you know balik ulit (showbiz),” paliwanag ni Kristine.
View this post on Instagram
Inamin din nitong nami-miss niyang humarap sa camera pero mas nanaig ang pagiging ina at asawa niya. Hindi naging madali ang buhay na sinuong ni Kristine ng magkaroon sila ng anak ni Oyo.
“To be honest tito Boy hindi naman madali, maraming challenges pero kapag alam mo kasi na ‘yun ‘yung gusto mo, pag mahal mo ‘yung ginagawa mo which I love being a mom and a wife nagiging madali pag nandoon ang puso mo, di ba?” katwiran nito.
At sa tanong kung ano ang una kay Tin ang pagiging anak, asawa at ina, “Kahit pilitin kong maging wife ako muna ay hindi ko magagawa ‘yun (sabay tawa). Sa lima kong anak, poprotesta silang lahat, ‘mama-mama kami muna.’ So, definitely a mother first.”
Hindi naman nakikipag-agawan ng oras si Oyo sa mga anak niya dahil sabi ng asawa niya ay alam nila ang pinasok nila.
“Once na magkaanak kami, ito talaga ‘yun, it’s a commitment. Ganu’n din naman sa pag-aasawa na we just find time kung maluwag, e, di alis kami, di ba?” tsika pa ni Mrs. Sotto.
Paano naman nabago ang aktres bilang isang ina, “Ngayon ko na-realize na ganu’n pala ang sakripisyo ng mga ina, so mas na-appreciate ko ‘yung nanay ko, nanay ni Oyo lahat ng nanay sa mundo. Grabe pala ‘yung pinagdadaanan. So, ito pala ‘yun.
“This is what it means kumbaga very selfless sila, ‘yung pagmamahal nila baka maiyak naman ako nito, Tito Boy,” sabi ni Tin na tuluyan nang tumulo ang luha. “Hindi baleng mawalan sila ng oras from themselves to serve their children.”
Dagdag pa, “Yung perspective mo sa buhay mag-iiba, ‘yung fashion mo mag-iiba, ‘yung oras ng gising mo mag-iiba, ‘yung katawan mo mag-iiba lahat.”
Samantala, sa ikalawang bahagi ng panayam ni Kuya Boy ay inalam naman kung anong klaseng magulang sina Kristine at Oyo at inamin nitong namamalo sila dahil kailangan at hindi nila pinalaki sa gadgets ang mga anak.
https://bandera.inquirer.net/305064/pamilya-ni-oyo-hindi-boto-noon-kay-kristine-mataray-daw-masama-ugali-pero-kabaligtaran-lahat
https://bandera.inquirer.net/296124/oyo-sinunod-ang-payo-ni-bossing-nung-kasal-nila-ni-kristine-wag-mo-lang-ako-gagayahin-okay-ka-na
https://bandera.inquirer.net/290186/kristine-todo-puri-kay-oyo-thank-you-for-always-standing-by-me-payat-man-o-mataba-ako-may-lash-extensions-man-o-wala
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.