Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat | Bandera

Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Pamilya ni Oyo hindi boto noon kay Kristine: Mataray daw, masama ugali pero kabaligtaran lahat

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 07:24 AM

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

KNOWS n’yo ba na hindi pala boto at aprubado noon ang ilang kamag-anak ni Oyo Sotto sa pakikipagrelasyon niya kay Kristine Hermosa? 

Talagang dini-discourage raw siya ng ilan sa kanyang mga kapamilya, kabilang na ang inang si Dina Bonnevie na huwag nang ituloy ang pakikipagmabutihan sa aktres.

“Mataray (daw). Actually yun yung mga sinasabi ng pinsan ko sa akin dati. Kahit yung mom ko noon sabi, ‘Masama daw ugali niyan.’  As in ganu’n yung sinasabi sa akin,” pag-amin ni Oyo sa panayam ni Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel nito.

“Sabi ko naman, ‘Alam ko na yung mga chismis na ganu’n, Ma.’ Pero iba kasi kapag nakakausap mo na yung tao. Totally opposite talaga.

“Talagang what you see is what you get. Yun yung nagustuhan ko, hindi siya showbiz. Isa siya du’n sa mga tao na totoo lang siya talaga. 

“Yan yung gustung-gusto ko sa kanya, na behind the camera yun siya. Kapag nakaharap siya yun siya. Kapag galit siya, galit siya. Kapag asar siya, asar siya. Kapag good mood siya, good mood siya,” pagtatanggol pa ng aktor sa kanyang wifey.

“I don’t want to take the credit. Si God talaga. Kasi nakita ko din na talagang she was really praying na ‘Sige Lord, talagang magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin, lie low muna, huwag muna ako mag-work, siya muna, sige.’”

View this post on Instagram

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Ayon mismo sa mag-asawa, gusto naman daw nila na magpatuloy sa paggawa ng showbiz projects noon, pero hindi niya nakikita ang tamang materyal para sa kanya.

“May time naman na pinupuntahan naman namin. Pakikinggan namin sila. Sabi ko nga kay Tin, ‘Baka mamaya kakasama ko iisipin na naman nila na ako na naman ang may ayaw.’ Sabi ko okay lang hayaan na kung anong gusto nilang isipin,”

“Ito kasi gustong kasama ako para din daw marinig ko. Ako naman, lagi ko naman sinasabi sa kanya, ‘Okay ako mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba ‘yung gagawin mo?’” dagdag pa ng aktor.

Samantala, nilinaw din ni Oyo na never niyang diniktahan o inutusan si Tintin na tumigil na sa pag-aartista simula nu’ng magpakasal sila 11 years ago.

“I don’t want to take the credit, eh. Si God talaga. Kasi nakita ko rin na she was really praying, talagang, ‘Sige Lord magsa-submit ako sa husband ko. Kung ganyan ang kailangan kong gawin. I have to lie low muna. Huwag muna ako mag-work. Siya muna. Sige, magsa-submit siya.’ 

“Kasi gusto niya talaga, eh. Sinasabi niya sa akin gusto niya mag-work. Kaya lang ayaw niya ng drama. Eh sabi ko sa kanya, ‘Okay ako. Mag-work ka kung gusto mo. Pero gusto mo ba yung gagawin mo?’” esplika ni Oyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Kristine, wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya noong iwan ang showbiz at super thankful daw siya kay Lord at si Oyo ang ibinigay sa kanya bilang partner in life.

Oyo Boy ibinandera ang pagmamahal kay Kristine

Kristine todo puri kay Oyo: Thank you for always standing by me, payat man o mataba ako, may lash extensions man o wala…

Oyo loyal na loyal kay Kristine: Kung wala si God, malamang nagloko na ‘ko, may anak na sa ibang babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending