Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV | Bandera

Kristine, Oyo namamalo ng mga anak; bawal na bawal din ang gadgets at TV

Reggee Bonoan - April 20, 2022 - 07:56 AM

Kristine Hermosa at Oyo Sotto

PART 2 ito nang naging panayam ni Boy Abunda kay Kristine Hermosa. Sa isang bahagi ng interview ay kinumusta ang aktres kung paano ang naging buhay nila noong kasagsagan ng total lockdown dulot ng pandemya.

“Siyempre ang hirap para sa ating lahat, lahat naman tayo nag-adjust sa pandemic, pero buti na lang mahilig kaming tumambay sa bahay, so, hindi masyadong malaki ang adjustment ng mga bata.

“Happy naman sila to be in the house pero darating ‘yung point na maghahanap ka rin ng ibang tao, maghahanap sila ng mga pinsan nila na hindi nila puwedeng makita.

“Although sabi namin lilipas din ito, relax lang kayo and nage-enjoy naman sila ng sama-sama naglalaro sila at mas nagiging mas creative sila,” kuwento ni Tin.

Isa pa sa number one rule ng mag-asawang Kristine at Oyo Sotto sa kanilang tahanan ay ang sabay-sabay nilang pagdarasal pagkagising at bago matulog.

“Of course tito Boy kumbaga ang hirap to go through your day without starting with a prayer and ending with a prayer. Tinuturuan namin sila na magdasal ka kasi muna kaya hindi rin smooth ang araw kasi you don’t pray,” paliwanag ng proud mom dahil mababait ang mga anak nila ni Oyo.

Sa tanong ni Kuya Boy kung paano sila mag-usap-usap kasama ang mga bagets, “Magulo!” diin ni Kristine. “Napakagulo tito Boy, iba-ibang topic ang bilis. Ha-hahaha! Pero masaya. Si Quiel kasi is teenager na, 13 na, so Ondrea is 10 then ‘yung dalawa (Caleb at Vince) ‘yun ‘yung BBFs talaga.”

Paano ang parenting style nina Tin at Oyo sa mga anak nila, sino ang good at bad cop sa tingin ng mga anak nila?

“Pareho kami tito Boy. Pareho kaming disciplinarian ni Oyo. Kumbaga, take turns kung sino ‘yung mas mahaba ang pasensya today, kung sino ‘yung mas nakatulog ng okay kasi kailangan talaga ‘yung patience mo, ‘yung grace mo sa mga bata. Kung sino ‘yung mas okay today, sige deal with them,” paliwanag ni Kristine.

Paano disiplinahin ng mag-asawa ang mga anak? “First of all tito Boy ini-explain namin sa kanila na discipline is good kasi pag walang disiplina…sinasabi namin sa kanila na when we correct you guys, it’s for your own good at alam naman nila na kailangang mag obey kay mama and dada.”

Inamin din ni Kristine na namamalo rin sila ng mga anak, “Kailangan tito Boy. Pagdating sa certain age lang naman, kumbaga si Caleb and Vin may rod pa sila pero pagdating kay Quiel and Ondrea wala na.

“Pag pinalo mo sila, you have to explain to them why na what you did is wrong, so, kailangan natin ‘yang i-correct. Pero hindi ‘yung ‘you are bad.’ Hindi ikaw ang bad, it is what you did,” esplika ni Tin.

At pagdating sa gadgets na sinasabing necessity na sa panahon ngayon ay tinabla ito ng mag-asawang Kristine at Oyo dahil hindi nila pinalaki na masanay sa mga ito ang mga anak.

“Hindi kami talaga ma-gadgets tito Boy. Not allowed talaga. Kung may gusto silang panoorin kailangan muna naming tingnan kung okay ‘yun bago namin sila papayagan.

“Tapos meron silang days lang na allowed (manood) kunwari weekends, pero pag weekdays hindi puwede kasi home school muna tayo. Tapos pag na-allow naman sila mine-make sure namin na alam namin kung ano ‘yung pinapanood nila saka may time limit, mahaba na ang two hours.

“No TV, wala talaga. Kinakabahan kami sa TV. Ha-hahaha!  Kasi malingat ka lang baka kung ano na yung makita nila. Masyado pang maaga para ma-pollute ang utak although darating naman ‘yung point na ilalabas din namin sila sa mundo pero ngayon gusto namin ang foundation nila matibay,” espikang mabuti ng aktres.

Inaming matanong ang mga bagets kaya laging may nakahandang paliwanag sina Tin at Oyo lalo na’t nakikita sa mga kaibigan at pinsan na may mga sari-sarili nang cellphones.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


No toys on the table rin ang isa sa patakaran ng mag-asawa at kapag gusto raw maglaro ng mga anak ay bilisan daw nilang kumain.

“If you want to play you have to eat fast, kasi ang tagal nilang kumain, grabe ang tagal,” natawang sabi ng magandang nanay ng mga anak ni Oyo.

Samantala, sa isang showbiz family ay hindi maiiwasang hindi ikumpara ang mga anak sa magulang nila o kaya sa mga kamag-anak. At inamin ni Kristine na naikumpara na siya sa anak niyang si Ondrea na malayo ang kulay sa kanya.

“Sabi ko kay Ondrea, ‘Drei did you know that I prayed for how you look? Talagang specific, I was specific kay God na ‘Lord gusto ko ng tan, gusto ko maganda ‘yung mata, may cleft chin.

“Kumbaga dinrowing ko na sa utak ko nu’ng ipinagbubuntis ko palang siya and ‘yun talaga ang exactly na hiningi ko kay God at sinagot ni God. Sabi ko (Ondrea), ‘walang mali sa ‘yo, you’re okay, you’re beautiful,” paliwanag ng aktres.

Komento ni kuya Boy, “Ipapaliwanag mo talaga because it’s not easy to live with famous parents.  Kailangan mo talagang i-assure sila, assurance.”

https://bandera.inquirer.net/311019/grabe-pala-talaga-ang-sakripisyo-ng-mga-ina-kaya-mas-na-appreciate-ko-ang-lahat-ng-nanay-sa-mundo

https://bandera.inquirer.net/283052/kristine-kumasa-sa-bagong-challenge-may-pa-tribute-kay-oyo-at-sa-4-na-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290186/kristine-todo-puri-kay-oyo-thank-you-for-always-standing-by-me-payat-man-o-mataba-ako-may-lash-extensions-man-o-wala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending