Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023 | Bandera

Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 10:14 AM

Ellen Adarna ayaw pang bumalik sa showbiz, kakaririn nila ni Derek Ramsay ang pagbuo ng baby ngayong 2023

Derek Ramsay at Ellen Adarna

PINANINDIGAN ng dating sexy actress na si Ellen Adarna ang kanyang desisyon na huwag na munang bumalik sa mundo ng showbiz.

Tulad ng kanyang asawang hunk actor na si Derek Ramsay, mas gusto ni Ellen na i-enjoy muna ang kanyang married life kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Ellen kahapon, April 26, sa inauguration at ribbon-cutting ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center sa BGC, Taguig City.

Ito ang unang pagkakataon na nakita namin uli si Ellen makalipas ang ilang taon at in fairness, talagang  pinagkaguluhan siya ng media nang dumating sa naturang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Isa si Ellen sa ambassadors ng nasabing medical clinic along with Sanya Lopez na present din sa ginanap na inauguration. Sey ng wifey ni Derek, tinanggap niya ang offer na maging ambassador ng  Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center dahil aligned na aligned daw ito sa buhay niya ngayon.

Bukod dito, seven years na siyang kliyente ng nasabing diagnostic center kaya nag-yes agad siya nang aluking maging endorser nito.

Sey pa ni Ellen, keri lang sa kanya ang tumanggap ng mga endorsement at  dedma muna talaga ang mga acting projects.

Baka Bet Mo: Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

“Ayokong mag-taping, ayokong mag-soap, alam naman nating it requires a lot of energy and time away from family. It is my choice to take a break,” sey niya.

Napag-usapan ba nila ni Derek pareho nilang isasantabi muna ang showbiz? “I think, we just met at a perfect time. That when I met him, parang ayaw na din niya. I think, because of COVID, you know, parang he realized a lot of things.”

Dagdag pa niyang paliwanag, “When I had Elias, parang it was really my priority that I want to be there on his formative years and so, there, he’s turning 5.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Inamin din ng aktres na kakaririn nila ni Derek ang pagkaroon ng baby this year dahil gustung-gusto na niyang sundan si Elias, “So, wala pa talaga sa plano ang magbalik.”

Sey pa ni Ellen, isa lang daw ang plano nila ni Derek na maging baby at sana raw ay maibigay na ito sa kanila ngayong 2023.

Samantala, ang Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center ay ang first one-stop medical that offers Japanese standard health services providing a full line-up of comprehensive diagnostic tests and customizable screenings.

Matatagpuan ito sa 8th and 23rd floor of Ore Central Building sa Bonifacio Global City sa Taguig. In fairness, nalibot namin ang nasabing clinic kahapon at napakabongga nito hindi lang ng kanilang mga facilities and equipment kundi pati na rin ang kanilang mga doktor, nurse at iba pang staff.

‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay ni Ellen nag-sorry, may ginawa sa ‘first night’ ng anak at ni Derek bilang mag-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending