'Retired' — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana'y magka-project uli siya sa GMA | Bandera

‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Ervin Santiago |February 03,2022
facebook
share this

‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Ervin Santiago - February 03, 2022 - 07:14 AM

Derek Ramsay

WALA na nga bang balak ang hunk actor at mister ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay na bumalik sa mundo ng showbiz? 

Ito ang tanong ng kanyang mga fans at social media followers matapos niyang sagutin ang isang netizen na nagtanong tungkol sa kanyang showbiz career.

Mula kasi nang magkapandemya ay hindi na tumanggap ng anumang proyekto ang aktor kaya hindi na rin siya napanood ng publiko sa pelikula man o sa telebisyon.

Kung hindi kami nagkakamali, ang huli pa niyang teleserye ay ang “The Better Woman” na ipinalabas sa GMA 7 noong 2019 kung saan nakatambal niya ang ex-girlfriend na si Andrea Torres.

Sa isang Instagram post ni Derek nitong nagdaang Jan. 31 ay may nag-comment na netizen tungkol sa kanyang acting career. 

Sinabi nito na nami-miss na niyang mapanood ang husband ni Ellen sa telebisyon at sana raw ay gumawa na uli siya ng teleserye sa GMA 7.

“I miss you sir Derek Ramsay. Sana magkaproject ka na uli sa GMA. Dedma ka na lang sa mga negatrolls (three smiling face with heart-shaped eyes emojis),” ang buong komento ng Instagram user.

Ang one-liner naman na sagot sa kanya ni Derek ay, “Retired.” Kaya naman marami ang nagsabi na baka raw nagdesisyon na ang aktor na tuluyan nang iwan ang showbiz.

Sa isang interview, sinabi ni Derek ma naka-freeze na ang kontratang pinirmahan niya sa GMA noong April 3, 2019 base sa agreement nila ng network. Ang rason ng aktor ay hindi pa siya handang sumabak sa lock-in taping dahil sa pandemya.

Mismong si Derek ang nakiusap sa mga bossing ng GMA na isuspinde muna ang exclusive contract niya,  “Freeze, suspended, it’s more like it. Yes, it’s true, na choice ko.

“Kasi nu’ng inalok sa akin yung To Have and To Hold, yung teleserye ni Rocco (Nacino) si Carla Abellana, si Max Collins, nag-backout ako kasi pinrioritize ko muna yung pamilya at ang nangyayari ngayon sa COVID.

“Naintindihan naman ng GMA yun, they respected my decision. So, nag-decide kami na i-suspend muna yung kontrata, na ready na ako magtrabaho when I feel na it’s safe na to work,” paliwanag ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


Nabalita rin na may gagawing  international movie ang asawa ni Ellen kaya maaaring sa teleserye lamang siya “retired”.

Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl

Derek takot na takot nang magka-COVID ang magulang: The scariest thing I’ve experienced in my life

Derek, Ellen sa 2022 balak gumawa ng baby: Gusto ko boy, hindi ko kaya pag babae, marami akong gugulpihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending