Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen? | Bandera

Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Reggee Bonoan |March 31,2021
facebook
share this

Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Reggee Bonoan - March 31, 2021 - 03:31 PM

NAGULAT ang lahat nang i-post ni Ellen Adarna ang larawan nila ni Derek Ramsay na magkayakap, kasama ang mga anak nilang sina Elias Modesto at Austin Ramsay pati na ang kanyang engagement ring na may caption na, “Game over.”

“Game over” dahil tapos na nga ang paghahanap ni Derek ng taong makakasama niya sa buhay matapos itong mag-propose sa kanya at game over dahil finally natagpuan na rin ni Ellen ang lalaking makakasama niya sa pagtanda.

Minsan ay nasabi ni Ellen na wala na siyang planong magpakasal, pero heto’t biglang dumating si Derek sa buhay niya at ilang araw lang silang nagkakilala ay naging sila na at pagkalipas ng dalawang buwan ay engaged na.

Kaya naman habang sinusulat namin ang balitang ito ay ang dami pa ring nagtatanong kung totoo ba ito o baka na-pressure lang daw si Derek dahil marami ang nagsasabi na wala talaga sa plano niya ang magpakasal dahil mabilis siyang magpalit ng karelasyon at isa lang si Ellen sa kanyang pampalipas-oras.  Pero ginulat nga ng aktor ang publiko sa naging desisyon nito.

Kaya naman sobrang nagpapasalamat si Derek sa future wife niya na tinanggap nito ang proposal niya. Ni-repost ng aktor ngayong araw sa kanyang Instagram account ang mga larawang ipinost ni Ellen kagabi.

Ang caption ni Derek, “Since the day we first met @maria.elena.adarna the chemistry between us has been undeniable, its so strong that I have to catch my breath at times.

“I’ve always said that love is intangible, something you can’t see or touch but now I believe otherwise.

“The chemistry between us that has left me reeling at times has made me see, feel, and grasp this unexplainably deep love I now have. When I look at you I see love and when I touch you I embrace love.

“Last night we were surrounded by so much love. I am honored and grateful that you said YES BUT most of all Thank you for loving me and allowing me to love you (apat na heart emoji).”

Sumagot naman si Ellen sa post niya ng, “Luhhhhhhh….. I love youuuuuuu….. soooo very mucchhhhhhhhhhhh.”

Halos lahat ng mga kaibigan nila sa showbiz ay bumati matapos ang naganap na engagement at karamihan nga sa mga ito ay nagulat din sa bilis ng mga pangyayari.

Nagpadala kami ng mensahe kay Derek kung kailan ang kasal nila ni Ellen at kung ano ang dream wedding ng fiancée niya pero hindi pa niya kami sinasagot.

Pero ayon sa taong malapit sa aktres ay napag-usapan nila noon na kung sakaling ikasal si Ellen ay gusto nito sa isang simbahan sa Cebu dahil nandoon nga naman ang buo niyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic at bawal pang bumiyahe kaya malamang hindi pa ngayong 2021 magaganap ang kasal, maliban na lang kung uunahin muna ang civil wedding dito sa Maynila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending