John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba? | Bandera

John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba?

Therese Arceo |October 08,2022
facebook
share this

John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba?

Therese Arceo - October 08, 2022 - 11:05 AM

John Lloyd Cruz, Isabel Santos magkasama sa Italy, aamin na ba?
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Ngunit para sa mga netizens ay sapat nang ebidensya ang kanilang mga social media posts para masabing espesyal sila sa isa’t-isa.

Sa katunayan ay magkasamang nagbakasyon sina John Lloyd at Isabel sa Italy.

Nitong October 6 ay makikitang sunud-sunod na ibinahagi ni Isabel ang mga litratong kuha habang nagbabakasyon sa ibang bansa.

At mukhang level up na ngayon dahil hindi na gaya noong mga nagdaang buwan, makikita na ang mukha ni John Lloyd sa mga larawan at hindi na makatalikod na shots o di kaya’y naka-cap.

“It has been decided, onesies arent for adults [people with bunny ears (partying) emoji]. “Also i like my profile better [bird emoji],” caption ni Isabel sa larawan nila ng aktor na kuha habang nasa labas ng isang tila coffee shop.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Sa isa pang upload ng dalaga ay solo shot ni Kohn Lloyd na kuha habang nakasakay sa yate.

Aniya, “My favorite picture-the composition, the view, the lighting! and the subject [see no evil monkey, two hearts emojis].

Ito na nga ba ang sign ng pag-amin nila ng kanilang tunay na relasyon?

Simula pa noong Setyembre 2021, usap-usapan na kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nina Isabel at John Lloyd.

Mas umugong pa nga ang chika nang magkasamang dumalo ang dalawa sa Christmas party ng Crown Artist Management na kinabibilangan ng aktor.

Bukod pa rito, may mga ibinahagi ring larawan si Isabel kung saan kasama niyang nagba-bonding sa dagat si John Lloyd at ang anak nito kay Ellen Adarna na si Elias.

Sa ngayon ay tikom pa rin ang dalawa hinggil sa kanilang relasyon.

Related Chika:
John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending