John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa? | Bandera

John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

Therese Arceo |April 13,2022
facebook
share this

John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

Therese Arceo - April 13, 2022 - 01:48 PM

John Lloyd Cruz ibinandera ni Isabel Santos sa IG, official na nga bang magdyowa?

PROUD na ibinida ni Isabel Santos ang larawan ng aktor na si John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram account kahapon, April 12.

Isang larawan ng aktor kasama ang alagang aso ang ibinahagi ng Filipino artist.

“Bb1, bb2,” saad ni Isabel sa caption ng kanyang Instagram post.

Nang tignan namin ang comment section ay namataan namin ang comment ni Ria Atayde at Direk Antoinette Jadaone.

“A new pupperrrr?? Yay!!” saad ni Ria.

Sey naman ni Direk Tonet, “Yownnnnnnnnnnnn”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)

Ilang buwan na ring usap-usapan kung ano nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawa dahil sa kabila ng mga “kompirmasyon” ukol sa kanilang relasyon ay nananatiling tikom ang kanilang mga bibig kung may “something” nga ba sa kanila.

Kaya naman palaisipan sa madlang pipol kung ito na ba ang senyales ng pag-amin nina John Lloyd at Isabel Santos.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nabalita ang dalawa. Nobyembre 2021 nang unang umugong ang chika kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawa.

May mga netizens kasi ang nakapansin sa mga posts ni Isabel kung saan kahit na hindi kita ang mismong mukha ay may resemblance ito sa aktor.

Bukod pa rito, isinama rin ng aktor ang Filipino artist sa naging Christmas party nila ng Crown Artist Management.

May mga nakakita rin kina John Lloyd at Isabel kasama si Elias na masayang nagba-bonding sa beach. Si Elias ay ang anak ng aktor kay Ellen Adarna. Nananatiling maayos ang relasyon ng aktor sa dating kasintahan at okay rin ang kanilang co-parenting set up para sa anak.

Related Chika:
John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

John Lloyd Cruz seryoso na sa rumored dyowa — Lolit Solis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending