John Lloyd Cruz seryoso na sa rumored dyowa — Lolit Solis | Bandera

John Lloyd Cruz seryoso na sa rumored dyowa — Lolit Solis

Therese Arceo |February 24,2022
facebook
share this

John Lloyd Cruz seryoso na sa rumored dyowa — Lolit Solis

Therese Arceo - February 24, 2022 - 04:16 PM

John Lloyd Cruz seryoso na sa rumored dyowa — Lolit Solis

MUKHANG seryoso na nga daw talaga ang aktor na si John Lloyd Cruz sa kanyang rumored girlfriend na si Isabel Santos, sey ni Manay Lolit Solis.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng kolumnista at talent manager ang kanyang obserbasyon sa dalawa.

“Siguro Salve seryoso na ang relationship ni John Lloyd Cruz sa GF niyang painter. Kasi nga isinama na niya ito sa bonding time nila ng anak niyang si Elias,” saad ni Manay Lolit.

“Siyempre naman hindi gugustuhin ni John Lloyd na malito ang bata na may kasama siya now, then later iba naman. Mukhang serious siya sa GF para makasama ito sa precious time niya sa anak na si Elias,” pagpapatuloy niya.

Aniya, maganda naman ang set up na gano’n dahil parehas niyang nakakasama ang kanyang mga mahal sa buhay sa mga panahon na hindi siya busy sa pagtatrabaho.

Pinuri rin ni Manay Lolit si Lloydie dahil sa kabila ng kanyang busy schedule ay hindi niya nakakalimutan ang pagiging ama sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)

“As of now, busy sked ni John Lloyd dahil may regular show siya plus mga guesting. Sa nakikita mo, parang good father si John Lloyd dahil nagbibigay oras siya para sa anak,” sey ng talent manager.

Biro pa nito, “Bongga Salve at Gorgy, apply ma kayong nanny ni Elias para kasama kayo pag bonding time nila ni Lloydie, heh heh heh.”

Anyways, wala pa rin namang kumpirmasyon mula sa award-winning actor kung may katotohanan nga ba ang bali-balitang may relasyon sila ng Filipino artist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero dahil nga sa mga larawang kumakalat sa social media ay marami talaga ang naniniwala na mag-dyowa nga talaga ang dalawa.

Matatandaang kahit noong Christmas party ng Crown Artist Management ay isinama nito ang dalaga. May mga larawan rin ni John Lloyd na nakatalikod na makikita sa Instagram account ni Isabel.

Related Chika:
John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?
Promise ni John kay Isabel: Alam ko magkakasakitan tayo pero gagawin ko lahat para maayos yun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending