Buking ni Lolit Solis, Lito Lapid nilalandi si Lorna Tolentino

Buking ni Lolit Solis, Lito Lapid nilalandi si Lorna Tolentino

Ervin Santiago - October 17, 2024 - 12:25 AM

Lito Lapid 'nilalandi' raw si Lorna Tolentino, Lolit Solis kumontra

Lolit Solis, Lorna Tolentino at Lito Lapid

TUTOL na tutol talaga ang talent manager na si Manay Lolit Solis sa rumored love affair nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid.

Muling napag-usapan ang tungkol sa pagkakamabutihan daw ni LT at ni Sen. Lito nang makorker ang award-winning actress sa naganap na event ng Beautéderm Corporation kahapon sa Novotel, Cuba, Quezon City.

Dumating si Lorna sa grand launch ng mga bagong endorsers ng beauty kingdom na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche Tan para sa bago niyang produkto na Belle Dolls. Isa rin si Lorna sa mga celebrity ambassador ng Beautéderm.

Baka Bet Mo: Lito, Lorna nade-develop na raw dahil sa ‘BQ’, Lolit Solis umalma

Sinagot ni LT ang mga chika na tila totohanan na raw ang relasyon nila ni Sen. Lito na na-develop nang mabuo ang kanilang PriManda loveteam sa Kapamilya hit series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


Ito’y matapos ngang ibuking ni Manay Lolit na nililigawan ng aktor at public servant ang kanyang talent na si Lorna.

“Ay naku, ewan ko kay Nay Lolit! Hayaan na natin ang nanay ko, no! Alam mo naman ‘yung nanay ko, hayaan na natin,” ani LT.

“Alam naman nating hindi pwede ‘yun. Okay? Para lang sa loveteam talaga,” depensa ng veteran actress.

Ano ang reaksyon ni Sen. Lito sa mga nagsi-ship sa kanila at umaasa pang sila ang magkakatuluyan sa tunay na buhay, “Okay lang naman po, magkumpare naman kami, magkaibigan, wala namang problema.”

Naha-happy naman daw si Lorna kapag ikinukumpara ng mga netizens at manonood ang tambalan nilang PriManda sa KathNiel at ipa pang young loveteam ng ABS-CBN.

Sa tanong kung ano ang reaksyon niya sa pagtutol ni Manay Lolit sa sinasabing relasyon nila ni LL, “Okay lang din kung ayaw niya. Hindi naman siya ‘yung involved.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Senator Lito Lapid (@senadorlitolapid)


“Tsaka nakaka-bagets naman ‘yun (pa-loveteam nila ni LL). Nakakabagets na mayroon pang mga ganyan at nabubuhayan ng loob ang mga senior citizens,” sey pa niya.

Pero nagpaliwanag ni LT nang may magsabing tinutuldukan na niya ang posibilidad na hindi sila pwedeng maging magdyowa ng senador?

“Hindi ko naman tinutuldukan, wala naman akong sinabi. Sa ngayon (hindi pwede), hindi mo masasabi ‘yung future,” aniya pa.

Nang lumapit si Manay Lolit sa pag-iinterbyu ng press sa kanyang talent, nanindigan ito na “nilalandi” raw ni Sen. Lito si LT.

“Alam mo ‘yang si LT, nang pinagalitan ko, ang sagot sa ‘kin, ‘hayaan mo na para may kilig-kilig ako.’ Heh!  Pwede ka namang kiligin sa iba, ‘wag lang diyan, no!” ang nakakalokang hirit ni Manay Lolit.

Kasunod nito, lumayo na si Lorna sa press sabay birong, “Ayoko na!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, pormal ngang ibinandera ng Beautéderm kahapon ang apat na  bagong endorsers ng newest product nilang Belle Dolls – yan ay ang Sparkle artists na sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Shaira Diaz at Sofia Pablo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending