Lito Lapid sa buwis-buhay stunts: ‘Sabi nila, baka ma-Eddie Garcia ako!’
SA maniwala kayo o hindi, sumusumpa si Sen. Lito Lapid na siya pa rin ang gumagawa ng action scenes niya sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”
In fairness, sa edad na 68, marami pang nagagawa ang actor-public servant, kabilang na nga ang mga buwis-buhay stunts at fight scenes niya sa “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Para ngang hindi tumatanda si Sen. Lapid dahil nang muli namin siyang makita nang personal sa kanyang early Christmas party and thankagiving with the press ay ang bagets pa rin ng kanyang itsura.
“Ako talaga ang gumagawa ng mga stunts ko kasi alam talaga ng mga tao na stuntman ako. Hindi ako nagpapa-double.
“Pero nag-iingat na rin ako dahil may edad na rin naman tayo. Kumbaga kaya ng isip ko pero hindi na kaya ng katawan ko.
“Sa tagal ko sa pelikula, wala pa naman akong bale sa katawan. Sana huwag naman. Kaya sinubukan ko uli mag-stunt sa ‘Batang Quiapo’ at kaya ko pa naman.
View this post on Instagram
“Minsan naaawat na lang ako, eh. Minsan gusto kong tumalon kaso tinanggal ng direktor yung camera sabi niya, huwag. Sabi ko naman baka kako lang hinahanapan ako ng mga tao at tinitignan nila kung kaya ko pa,” sey pa ng veteran actor.
Baka Bet Mo: Lito Lapid shookt sa style ni Direk Brillante Mendoza: Bahala ka sa mga dialogue mo, walang script
Nagpapasalamat din siya na sa edad niyabg 68, ay nakakalakad pa siya nang diretso at walang tungkod tulad ng ibang kasabayan niya sa showbiz.
Pero inamin niyang, “Medyo umiilag na rin ako, siyempre, (may edad na rin). Ang sinasabi nila, baka ma-Eddie Garcia ako, huwag naman sana. At ‘yun nga, nag-iingat na rin ako, baka ang iniisip ko, kaya ko, ‘yun pala, ang katawan ko, hindi na. ’Yun ang ikinakakaba ko.”
Pero knows n’yo ba na wala ring maintenance medicine ang aktor? “Vitamins lang, mga vitamins, tapos konti sa pagkain, puro gulay, ganyan lang.”
Hindi rin daw siya nagpupunta sa mga derma clinic, “Wala. Stem cell? Wala rin. Nagtatanong nga ako. Gusto ko rin, baka kako pwede na ako sa edad, eh, ‘di ba? Pero kaya pa naman ng tuhod, eh.
“Kasi nga kailangan ng ensayo pinapawisan ka talaga, eh. ‘Yun talaga ang sikreto. ‘Wag kang tatamarin. ‘Pag tinatamad ka kailangang pilitin mo ang sarili mo,” aniya pa.
Maingat na rin daw siya sa mga pagkain, “Iniiwasan ko red meat. Pagtiyagaan mo na lang muna.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.