Lito Lapid shookt sa style ni Direk Brillante Mendoza: Bahala ka sa mga dialogue mo, walang script | Bandera

Lito Lapid shookt sa style ni Direk Brillante Mendoza: Bahala ka sa mga dialogue mo, walang script

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 10:06 AM

Lito Lapid, Coco, Martin, Brillante Mendoza,Mark Lapid at Howard Guintu

NAGULAT man pero bilib na bilib daw si Sen. Lito Lapid sa istilo ng pagdidirek ng award-winning veteran director na si Brillante Mendoza. 

Si Direk Brillante ang nagdirek ng bago niyang pelikulang “Apag (Hapag)” kasama ang mga kapwa Kapampangan na sina Coco Martin, Jaclyn Jose at Gladys Reyes.

Muling nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang actor-politician sa kanyang pa-thanksgiving lunch kamakalawa, Dec. 29, kasama ang anak na si Tourism officer Mark Lapid at ang first nominee ng Pinuno Partylist na si Howard Guintu.

Pahayag ng senador, totoong nanibago siya sa pagdidirek ni Brillante pero napakagaling daw pala talaga nito matapos makita ang ilang ginawang eksena sa pelikula.

“Napakagaling! Ibibigay niya ang eksena, ikaw ang bahala sa dialogue, walang script. Wala kayong mini-memorize. First time ko nadirek sa ganu’n,” sey ng senador.

Matagal na raw niyang gustong makatrabaho ang premyadong direktor, “Gustung-gusto ko siya, kasi nu’ng araw, kinukuha ko na siya. Ako pa ang producer para makasama ko siya.

“Nu’ng in-offer sa akin ito, tapos rekomendado pa ako ni Coco Martin, sabi ko, ‘Sige, okay.’ Kaya tinanggap ko agad,” kuwento pa ni Sen. Lapid.

Next year, plano raw ng veteran actor na maging aktibo muli sa paggawa ng pelikula bilang tulong na rin sa industriyang pinagkakautangan niya ng loob.

“Gusto ko pa rin magpadirek kay Brillante Mendoza. Nakita ko kasi, napaka-relax niya magdirek. Hindi nahihirapan ang artista, pero napakagandang gumawa. 

“Mabusisi, matiyaga, maselan, pero maganda. Hindi puwede sa kanya yung puwede na ‘yan,” aniya pa.
Ibang-ibang Lito Lapid din daw ang mapapanood sa “Apag” dahil hindi raw siya nag-aksyon dito. Feel good family movie raw ito na may kaunting drama at hugot.

Feeling ng senador, malaki rin ang maitutulong ng pelikula nilang “Apag” sa turismo ng bansa dahil ipinakikita nga rito ang kagandahan ng Pampanga, lalo na ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng mga Kapampangan.

View this post on Instagram

A post shared by Brillante Ma Mendoza (@brillante_mendoza)

Mapapanood din sa movie ang iba’t ibang kaugalian at tradisyon ng mga taga-Pampanga kabilang na ang taunang senakulo at ang paggawa nila ng mga parol at iba pang Christmas display tuwing kapaskuhan.

Ka-join din sa pelikulang ito ang anak niyang si Mark Lapid, na tuwang-tuwa rin dahil pawang Kapampangan ang dialogue nila rito. May dalawang araw pa raw silang isu-shoot sa pelikulang ito.

Samantala, kilalang-kilala pa rin ngayon si Lito Lapid bilang “Pinuno” dahil sa naging karakter niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco.

Kaya ayon sa senador, siya mismo ang nagbigay ng pangalang Pinuno Partylist at talagang all-out ang kanyang suporta dahil naniniwala siya sa magandang layunin ng grupo.

Pabahay para sa mga mahihirap na Pinoy all over the Philippines ang layunin ng Pinuno Partylist o Pinatatag na Ugnayan para sa mga Oportunidad sa Pabahay ng Masa).

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294683/rica-kinilig-sa-sorpresa-ni-vp-leni-agot-sinupalpal-si-lito-atienza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending