Lolit bilib sa tapang ni Alice Guo: Kung pogi ako liligawan ko siya!

Lolit Solis bilib sa tapang ni Alice Guo: Kung pogi ako liligawan ko siya!

Ervin Santiago - September 09, 2024 - 05:43 PM

Lolit Solis bilib sa tapang ni Alice Guo: Kung pogi ako liligawan ko siya!

BILIB na bilib ang talent manager na si Lolit Solis sa tapang ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na humarap sa Senate hearing ngayong araw, September 9.

Talagang nanonood at tumutok si Manay Lolit sa pagdinig ng Senado hinggil sa mga kasong kinasasangkutan ni Alice Guo matapos ang pagkakasakote niya mula sa bansang Indonesia at naibalik dito sa Pilipinas.

Ayon sa Instagram post ni Lolit, hanga daw siya sa lakas ng loob ni Guo na humarap sa mga senador matapos ang ginawang pagtakas at pagtatago sa batas nang ilang araw.

Pero ayon sa veteran entertainment columnist, feeling daw niya ay iniinsulto at pinaglalaruan na lang ni Guo ang Senate hearing pati na ang mga senador na dumidinig sa kanyang kaso.

“Salve buong umaga hanggang tanghali talaga na tutok ako sa Alice Guo sa Senate. Kaloka ha, parang feeling ko punaglalaruan si Alice Guo ha. At hanga ako na ang lakas ng loob niya sa pagharap sa mga senador,” simulang pahayag ni Manay Lolit.

Baka Bet Mo: Alice Guo walang ‘palit-ulo’ nang kuhain sa Indonesia, ayon kay PBBM

Patuloy pa niya, “At isa talaga pumasok sa isip ko Salve at Gorgy wah ba BF si Alice para man lang magbigay emotional support sa kanya. Kung iisipin mo matapang niyang hinaharap ang mga problema niya ha. Bongga ha.

“Very charming siya at dahil sa Pogo connect niya meaning dami niya datung at her age na bata pa kung iisipin mo. Hindi ako magtataka na meron gustong gawin movie ang buhay niya dahil very exciting ha.

“Very colorful at kung iisipin mo ang daming twist ha. At ang dami mong malalaman dahil pati ang corruption sa pagkuha ng birth certificate at passport. Bongga talaga,” sabi pa ni Manay.

Bukod dito, may isa pang IG post ang talent manager kung saan sinabi niyang kung naging lalaki lang daw siya ay baka niligawan niya si Alice Guo.

“Kaloka iyon Senate hearing ni Alice Guo ha. Parang nagsawa ako sa mga questions ni Sen Joel Villanueva dahil sa parang siya na lang nagtanong at iyon ibang senators na nanduon hindi nabigyan ng chance para magtanong.

“Mabuti na lang paminsan minsan nagsasalita si Sen Win Gatchalian, nagtanong ng isang question si Bong Revilla, at Bato de la Rosa.

“Naku ewan ko kung makakatulong sa re election ni Joel Villanueva itong hearing dahil parang gusto talaga niya na siya ang mag monopolized ng hearing.

“At iyon babae sa likod ni Joel ha, panay ang emote naka distract talaga. Kaloka talaga ang hearing na inabot ng lagpas ng lunch.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung pogi akong men ligawan ko talaga si Alice Guo. Pero sabi ni Sen. Jinggoy Estrada meron daw papa na isang Mayor din si Alice Guo, bongga.

“Pero hanga ako sa tatag niya sa pagsagot at tapang na harapin ang mga senators. At hindi siya nagpakita na takot o intimidated siya. Bongga talaga,” hirit pa ni Manay Lolit Solis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending