Lolit Solis apektado sa sinapit ng 'Dear Satan' ni Paolo Contis

Lolit Solis apektado sa sinapit ng ‘Dear Satan’ ni Paolo Contis

Therese Arceo - September 05, 2024 - 07:11 PM

Lolit Solis apektado sa sinapit ng 'Dear Satan' ni Paolo Contis

HINDI maiwasan ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na maging malungkot dahil sa nangyayari sa alagang si Paolo Contis.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niyo ang saloobin hinggil sa kontrobersyal na pelikula ng Kapuso actor na “Dear Satan”.

Saad ni Lolit, “Salve ewan ko kung bakit ganito ang panahon eh September na. Looking forward pa naman ang lahat sa darating na Pasko.

“Medyo na-sad nga ng konti si Paolo Contis sa naging issue ng Dear Satan dahil feeling niya may pang festival movie na siya.”

Baka Bet Mo: Lolit proud kay Carlos Yulo, ayaw pilitin makipag-ayos sa pamilya

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hangad ni Lolit na maging maayos na ang lahat sa pelikula dahil alam niyang mahalaga kay Paolo ang kanyang mga pelikula.

“Sana naman maging maayos dahil tuwang tuwa pa naman si Paolo sa paggawa ng movie,” sey pa niya.

Matatandaang naisulat na namin rito sa Bandera ang pagkalampag ng netizens sa titulo ng pelikula na hindi kaaya-aya sa mga bata.

Nauna naman nang naglabas ng pahayag ang produksyon ng pelikula at sinabing papalitan nila ang title.

Ngunit nitong September 2 lang nang bigyan ng X-rating o hindi maaaring ipalabas sa publiko ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula ng alaga ni Lolit.

Bukod pa sa kanyang kontrobersyal na pelikula, worried rin ang talent manager sa relasyon nito sa GMA Network.

Ito ay may kaugnayan sa fila pagka-absent ni Paolo sa GMA Station ID.

“Sana rin kung meron siyang issue sa GMA maayos, dahil napaka loyal niya sa station. Sayang kasi na iisa lang ang ginagawa niya na weekly pa, eh ang talented ni Paolo Contis,” sey pa ni Lolit.

“Puwede sa drama at comedy. Pero alam mo ba kung ano talaga wish ko para kay Paolo, ang sana magkaruon na ito ng house na sarili niya,” pagpapatuloy niya.

Sa hiwalay na post ay inamin ni Lolit na may panghihinayang siyang naramdaman dahil kaunti lang ang projects ngayon ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nanghihinayang lang ako dahil alam ko ang capacity ni Paolo Contis as actor pero hindi siya nasasama sa mga serye.

“Hintayin na lang natin baka may magaganda naman silang naiisip para kay Paolo Contis. Hindi naman reklamador si Paolo kaya wala kang maririnig mula sa kanya.

“Basta naniniwala ako na you can never put a good actor down, magtatagal soya dahil talented siya. Wait ka lang Paolo, your time will come. Shine more, bongga,” chika pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending