Lolit sa chikang break na sina Paolo at Yen: Baka nagkasawaan

Lolit Solis sa chikang break na sina Paolo at Yen: Baka nagkasawaan na?

Ervin Santiago - June 09, 2024 - 12:30 AM

Lolit Solis sa chikang break na sina Paolo at Yen: Baka nagkasawaan na?

Lolit Solis, Paolo Contis at Yen Santos

WALDAS sa pera ang Kapuso actor-host na si Paolo Contis, ang pambubuking mismo ng kanyang talent manager na si Manay Lolit Solis.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapagpundar ng sariling bahay ang aktor.

Sey ni Manay Lolit, mahilig daw kasing bumili ng kung anu-anong bagay si Paolo kaya may mga pagkakataon na nauubusan talaga ito ng pera.

Baka Bet Mo: Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

“Si Paolo, ‘Day, kaya kami nag-aaway, walang galang sa pera. Basta may hawak na pera ‘yan, waldas talaga. Diyos ko, kung anu-ano ang binibili,” ang nakakalokang rebelasyon ni Manay Lolit tungkol sa kanyang alaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paliwanag ng talent manager at beteranang kolumnista, bata pa lang daw kasi ay nagtatrabaho na si Paolo at nakakatanggap ng malaking halaga ng pera kaya ganu’n na lang kung gumastos.

Isa pa sa posibleng dahilan kaya wala pang sariling bahay si Pao ay dahil nakatira naman daw ito sa kanyang mga magulang.

Feeling ni Manay Lolit, “Ang kailangan ni Paolo, ‘yung mahusay na partner. ‘Yung takot siya, ginagalang niya, tapos ‘yung susundin niya pag may sinabi sa kanya.”

Nang tanungin kung ano na talaga ang nangyari sa relasyon nina Paolo at Yen Santos na umano’y naghiwalay na, sey ni Manay Lolit, “Baka nagkasawaan na.”

Baka Bet Mo: Wish ni Lolit Solis kay Paolo: Matagpuan na sana niya ang kanyang forever!

“Pero pwede silang magkabalikan. Pero si Paolo, parang kapag nakipag-break na, parang ayaw na niya talaga,” chika ng talent manager.

Payo niya sa alaga, kung saan daw siya masaya at kung saan maligaya ang puso niya, ‘yun daw ang sundin ng Kapuso star.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually, sa mga nakarelasyon ni Paolo, si Yen, parang masuwerte naman sa kanya. Hindi magulo ‘yung ano niya. Hindi kagaya noon na parang ang gulo ng utak niya. Eh, dito parang at peace siya,” pahayag ni Manay Lolit.

Kapag natatanong si Paolo tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen ay palaging “no comment” ang sagot nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling ni Manay Lolit, baka raw posible pang magkabalikan ang dalawa, “Kasi, di ba, baka magsasalita siyang hiwalay na sila tapos makikita sila sweet na sweet. Kaya baka ayaw muna niyang kumpirmahin kasi baka may pag-asa pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending