Annabelle Rama: Si Richard trabaho nang trabaho, 'yung isa nagwawaldas

Annabelle Rama: Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera

Therese Arceo |December 08,2023
facebook
share this

Annabelle Rama: Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera

Therese Arceo - December 08, 2023 - 05:43 PM

 Annabelle Rama: Si Richard trabaho nang trabaho, 'yung isa nagwawaldas ng pera

Sarah Lahbati at Annabelle Rama

WALA raw oras na makipag-usap ang talent manager na si Annabelle Rama sa asawa ng kanyang anak na si Sarah Lahbati.

Ito ang kanyang pahayag nang makausap siya ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe.

Natanong kasi si Annabelle kung totoo ba ang bali-balitang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Sarah.

Aniya, “Hindi ko siya nakakausap. Wala akong time makipag-usap sa kanila.”

Nang tanungin naman si Annabelle ukol sa tunay na estado ng relasyon nina Richard at Sarah, sinabi niyang hindi pa siya maaaring magsalita.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, hinamon ng netizens na mag-post ng pictures together

“Hindi pa ako pwedeng magsalita e. Basta sabihin ko sa ‘yo, si Richard nasa akin ngayon. Ang mga bata [Zion at Kai] na kay Richard,” pagbabahagi niya.

Aminado rin si Annabelle na mahirap para sa kanyang anak ang kasalukuyang sitwasyon.

“Mahirap sa kanya kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo… Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” lahad pa ng ina ni Richard.

Baka Bet Mo: Kazel Kinouchi pinalagan ang isyung may ‘something’ sila ni Richard Gutierrez: Don’t believe everything you see on the internet

Annabelle sa isyung ‘magastos’ si Sarah Lahbati

Natanong rin kasi ang talent manager kung totoo nga ba ang balitang malakas gumastos si Sarah.

“Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. Nakikita mo na yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan,” sey pa ni Annabelle.

Nakuwento rin ng talent manager ang kanilang plano na magpunta ng Japan upang doon magbakasyon at mag-celebrate ng Christmas at New Year.

“Lahat kami pupunta ng Japan, Christmas hanggang January 3… Sama-sama buong pamilya ko, minus 1 nga lang,” pagbabahagi ni Annabelle.

Matatandaang last month lang nang umugong ang balitang tila hiwalay na sina Sarah at Richard matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagbabahagi ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media at hindi na rin sila kumpleto sa tuwing magbabahagi sila ng family bonding nila kasama ang mga anak.

Napabalita rin noon sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez na tila may kaugnayan si Annabelle sa isyung hiwalayan ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag na inilalabas sina Richard at Sarah ukol sa diumano’y paghihiwalay nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending