Lolit proud kay Carlos Yulo, ayaw pilitin makipag-ayos sa pamilya

Lolit proud kay Carlos Yulo, ayaw pilitin makipag-ayos sa pamilya

Therese Arceo - August 21, 2024 - 05:00 PM

Lolit proud kay Carlos Yulo, ayaw pilitin makipag-ayos sa pamilya

SA kabila ng pinagdaraanang isyu sa pagitan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang pamilya ay proud na proud pa rin ang talent manager na si Lolit Solis sa karangalang iniuwi nito sa bansa.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan ni Carlos kalakip ang mensahe niya para sa binata.

“Salve siguro malalim ang tampo sa puso ni Caloy Yulo para mahirapan siyang kalimutan ang galit sa puso niya,” panimula ni Lolit.

Ang tinutukoy niya ay ang hidwaan sa pagitan nila ng kanyang ina na si Angelica Yulo.

Baka Bet Mo: Vice inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo, umalma: Sa’n galing ‘to?

Bandera IG

Nabanggit rin ni Lolit ang pahayag ni Chavit Singson kay Carlos na handa itong magbigay ng malaking halaga para magkaayos silang pamilya pero wala pa ring nangyayaring pag-uusap sa pagitan ng mga ito.

“Imagine mo na balewala ang 5M na ibibigay ni Chavit Singson basta magbati lang silang pamilya. Para hindi ito gawin talagang matindi.

“At para kahit nasa alapaap na siya hindi parin niya matanggap, ibig sabihin sobra sa lalim,” sey ni Lolit.

Ngunit sa kabila ng mga nangyayari ay hanga pa rin siya kay Carlos.

Ani Lolit, “Pero kahanga hanga dahil kahit meron siyang personal problems na focus parin niya ang sarili para manalo ng gold.

“Meron siyang disipline na kailangan ng isang athlete. Tiyak na malayo pa ang aabutin niya sa career niya.”

Pakiudap ni Lolit, hintayin sana si Carlos sa kung ano ang desisyon niya hinggil sa problema nila ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung gusto niya ayusin, aayusin niya iyan. Nasa kanya ang desisyon. Anuman gusto niya mangyari, buhay niya at desisyon niya.

“Basta naibigay niya ang karangalan para sa bansa natin, magpasalamat tayo. Salute Carlos Yulo, bongga ka,” sabi pa ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending