Vice inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo: Sa'n galing to?

Vice inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo, umalma: Sa’n galing ‘to?

Ervin Santiago - August 21, 2024 - 10:07 AM

Vice Ganda inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo, umalma

Angelica Yulo, Carlos Yulo at Vice Ganda

SHOOKT ang Phenomenal Star na si Vice Ganda nang mabasa ang pambebengga sa kanya ng netizens dahil sa umano’y pakikisawsaw niya sa isyu ng pamilya ni Carlos Yulo.

Talagang tinalakan siya ng mga bashers matapos mapanood ang isang video kung saan naglilitanya siya hinggil sa pinagdaraanang problema ng isang searcher sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime.”

Ikinonek kasi ito ng ilang netizens sa kontrobersyang namagitan kay 2-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos at sa ina nitong si Angelica Yulo.

Baka Bet Mo: Angelica Yulo kay Carlos: Humihingi ako ng patawad anak…nanay lang ako

Sa napanood naming video clip mula sa episode ng “EXpecially For You” nabanggit ng searcher na si KY na feeling niya ay hindi na siya kumportable sa kanilang tahanan.

Pero ang plot twist, keribels pa rin sa family niya ang kanyang ex-boyfriend, “Meron akong family, pero I don’t feel at home. Pero nu’ng siya (dating dyowa), kasi family ko…”

Biglang sumingit si Vice, “Alam ba ng pamilya mong ganyan ang tingin mo sa kanila?” Na sinagot ni KY ng, “Actually, opo. Recently lang din po ako naging open. Na growing up, ganun po yung nararamdaman ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sundot na tanong naman ng co-host ni Vice na si Ogie Alcasid, “Inaayos niyo na ngayon yung relasyon ninyo?” Ang tugon ng searcher, “With my mom, opo.”

Pagpapatuloy ni Vice, “Mahirap yung hindi ka okay sa family. Napakahirap. Napakahirap na problema yan. Oo, yan yung problema ng parang hirap na hirap kang solusyunan at gawan ng paraan.

Baka Bet Mo: Carlos Yulo dedma sa ina, nag-message sa ama: Mahal na mahal kita

“Mas parang, kung iisipin mo, mas mahirap pa yan sa makakuha ng gold sa Olympics, di ba? Pag may problema ka sa pamilya mo, yan yung problema ng parang ang hirap-hirap dalhin,” esplika ni Vice.

Sabi sa kanya ni KY, “Pero minsan po kasi sa ibang family, parang hindi applicable yung ganu’n. Na parang, if they were parang nagiging…nai-slow down yung progress mo sa buhay dahil sa kanila, parang you have to let it go.

“Kasi, depende rin po sa sitwasyon mo. Kasi sabi ko nga, hindi naman lahat ng bata lumaki sa pamilya na supportive, na open,” aniya pa.

Sey ni Vice, “Sorry, ha. Hindi ako naniniwala na you can let go of your family.”

Kasunod nito, may netizen ngang nagkomentong obvious daw na kumakampi si Vice sa nanay ni Carlos. Aniya, “CONFIRMED. Vice supports Angelica’s side nga. Im so disappointed in you @vicegandako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime. #ShowtimeBestPick,” sabi pa ng netizen.

Ni-repost ni Vice sa kanyang X account ang komento ng netizen at nagsabing, “Ha?!!! : Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya.”

Isa pang X user ang nag-post ng video ni Vice at nag-comment ng, “Sorry Meme Vice but hindi ako agree sa’yo this time not every kid have a good relationship and supportive family, kung ikaw meron kang magandang relasyon sa mga magulang mo then good for you but don’t blame or invalidate someone — #ShowtimeBestPick.”

Nireplayan din siya ni Vice, “Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila.”

Sey naman ng nagtanggol sa komedyante, “The problem kapag clips lang napapanood.”

Agree rin si Vice rito, “True. Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.”

Ni-reshare rin ni Vice sa kanyang X account ang video kung saan mapapanood ang buong pahayag niya tungkol sa isyu.

“Di ba, as much as possible, ina-advice natin na hindi natin in-encourage yung paglalayas o yung paglisan sa bahay at sa pamilya.

“Pero hindi mo masisisi yung ibang tao ha, yun ang pamamaraan nila para maka-survive.

“Yun ang pamamaraan nila para maituloy yung buhay nila dahil yung pananatili nila sa loob ng bahay na yun ay maaari nilang ikamatay.

“Ikaupos ng kanilang ispirito, ikaubos ng kanilang lakas, ikadilim ng kanilang pag-iisip, at ikauubos ng pagmamahal nila.

“Yung ganu’n, yung kailangan mo talagang, kasi dati ba, nu’ng nagti-therapy ako, sinabi nu’ng doktor ko yun, ‘Pag hindi mo na kaya, time out.’

“Time out. Bitaw, di ba? Hindi mo puwedeng ipilit, di ba? Hindi mo puwedeng ipilit.

“Bibilis yung ikot ng mundo, ng utak mo, yung iingay lalo sa utak mo…” ang kabuuan ng litanya ni Vice. Ang caption niya sa naturang post ay, “Ayan. Salamat po!

“I dnt think its wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile.

“Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pangaabuso,” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung nagkita at nagkaayos na ang mag-inang Carlos at Angelica. Pero base sa panayam ng BANDERA sa dating gobernador ng Ilocos Sur na si Chavit Singson, wala pa ring komunikasyon ang pamilya Yulo sa Pinoy champ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakausap na raw ni Manong Chavit ang magulang ni Carlos at kinumpirma ng mga ito na hindi pa nila nakakausap uli ang anak matapos itong magkampeon sa Paris Olympics.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending