Alice Guo iginiit ang pagiging proud Pinoy: Mahal na mahal ko ang Pilipinas!
NAGLABAS ng mahabang mensahe na punong-puno ng pasasalamat si Tarlac town Mayor Alice Guo.
Ito ay isang araw matapos ilabas ang arrest order mula sa Senado dahil hindi siya sumipot sa hearing ng committee on women probing into illegal Philippine offshore gaming operators (Pogos) noong July 10.
Sa pamamagitan ng Facebook page, unang sinagot ni Guo ang tanong ng marami kung nagsisisi ba siyang pumasok sa pulitika.
“The answer is HINDI [hug emoji]…Pero nasaktan ako ng husto nang politika [smiling face emoji] I almost lost myself,” sey niya.
Kasunod niyan ay isa-isa niyang pinasalamatan ang lahat ng mga nakasama niya sa kanyang panunungkulan.
Kabilang sa mga binanggit ay ang bayan ng Bambam, ang kanyang LGU family, mga guro, senior citizens, mga negosyante, mga magsasaka, LGBTQ community, at marami pang iba.
Baka Bet Mo: Alice Guo, 7 iba pa pinaaaresto ng Senado: ‘Magpakita na kayo’
“I’m beyond grateful for the unending support despite all of these accusations [folded hands, blowing kiss emojis],” wika niya.
Mensahe rin niya, “Humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong nadamay at pilit na idinadamay. Ako po ay nakikiusap din to stop spreading false information [folded hands emoji].”
“Ako po ay magdarasal na malagpasan ko po ang mga pagsubok na ito [folded hands emoji] A big portion of my heart will always be for Bamban, for my town [smiling face with heart emoji],” patuloy ng alkalde sa post.
Lahad pa niya, “Kayo po ang nagpuno ng puwang sa aking puso [red heart emoji] Kayo po ang aking inspirasyon. Spread LOVE and peace to one and all [hug emoji].”
Sa bandang dulo ay muli niyang iginiit at ibinandera ang pagiging proud Pinoy.
“Ako po ay isang FILIPINO. At MAY MALAKING puso for BAMBAN [hug emoji] at mahal na mahal ko ang Pilipinas [Philippine flag emoji],” caption niya.
Aniya pa, “Always remember Ka Bamban. Challenging but will never Give Up..Everything is temporary! [folded hands emoji] LOVE ko po kayo! God bless us all! [smiling face with hearts emojis].”
Magugunita na ang panel head na si Sen. Risa Hontiveros at Senate President Chiz Escudero ang pumirma para sa pag-aresto sa alkalde at pitong iba pang sangkot.
Kabilang na riyan ang kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, at Seimen Guo, pati na rin ang suspected mother na si Wen Yi Lin, ang accountant na si Nancy Gamo, at alleged authorized representative of Pogos na si Dennis Cunanan.
Ayon kay Hontiveros, ang nasabing kautusan kay Guo ay isa lamang sa mga hakbang upang mapanagot sila sa mga batas.
Panawagan pa niya kay Guo at sa pitong iba pang sangkot, “Magpakita na kayo. Hindi mabubura ng inyong pagtatago ang katotohanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.