Risa Hontiveros nadismaya sa P125-M confidential funds na ginastos lang ng 11 araw: Napakagaspang! | Bandera

Risa Hontiveros nadismaya sa P125-M confidential funds na ginastos lang ng 11 araw: Napakagaspang!

Therese Arceo - September 27, 2023 - 05:45 PM

Risa Hontiveros nadismaya sa P125-M confidential funds na ginastos lang ng 11 araw: Napakagaspang!
DISMAYADO si Sen. Risa Hontiveros sa inilabas na ulat ukol sa paggastos ng Office of the Vice President (OVP) na pinamumunuan ni VP Sara Duterte ng P125 million confidential funds noong 2022 sa loob lamang ng 11 araw.

Ang naturang paggastos na ikinagulat ng lahat ay mas maikli pa sa naunang naiulat na 19 araw.

“Anong uri na naman ng magic ang ginamit nila para ubusin ang ₱125M sa loob ng 11 araw? Hindi na lang yan spending spree. Yan ay paglapastangan sa mamamayan,” lahad ni Hontiveros sa isang pahayag nitong Martes, September 26.

“Napakagaspang. ₱11 million kada araw? Daig pa ang may patagong credit card sa national budget. Hindi niyo pera yan!

“Confidential funds can be validly spent only on expenditures supporting surveillance activities of civilian agencies,” pagpapatuloy pa ni Hontiveros.

Nabanggit rin ng senadora ang naging paggastos ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea ng kanilang P117 million confidential funds na napagkasya nila sa 17 taon.

Baka Bet MoL

“Yung ating Coast Guard sa West Philippine Sea, araw-araw binabantayan ang sumpong ng China. 17 years pinagkasya ang ₱117 million na confidential funds. Ang OVP, hindi man lang umabot sa dalawang linggo,” sey pa ni Hontiveros.

Baka Bet Mo:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inusisa rin ng senadora kung ano ang mga ginawa ng OVP sa kanilang confidential funds.

“What can VP Sara show for it? Nagmass hiring ba ang OVP ng libo-libong informant sa loob lang ng 11 na araw? Nagpatayo ba sila ng daan-daang safehouse sa loob lamang ng 11 na araw?” tanong ni Hontiveros.

“Babalik lang tayo sa paulit-ulit na tanong: Saan niyo dinala ang pera? Naghihintay ng resibo ang buong Pilipinas,” dagdag pa niya.

Sa naganap na plenary deliberations ng 2024 proposed budget ng Commission on Audit (COA) noong Lunes, natanong na ni House assistant minority leader Arlene Brosas ng Gabriela party-list ang komisyon ukol sa naging paggasta ng OVP ng nasabing ₱125 million confidential funds mula Disyembre 13 hanggang Disyembre 31, 2022, base sa Statement of Appropriations, Obligations and Balances (SAOB).

“Ayon sa mga nakaraang usapin, lumalabas na ginastos ng OVP ang halagang ₱125 million sa 19 days lamang na mukhang napakaiksing panahon. Maaari bang ikumpirma ng COA ang nangyaring ito?” tanong ni Brosas.

“Ang totoo po ay nagulat din po ako noong mabasa ko ang mga balita na tila nagastos po sa loob ng 19 days. Tinanong ko po ang COA at tiningnan ko po ang iba’t ibang mga reports, pero hindi po ito nagastos sa loob ng 19 days, kung hindi 11 days po,” sagot naman ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, na siya ring senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iba Pang Balita:
Ano kaya ang reaksyon ni Risa Hontiveros sa pagiging No. 1 senator ni Robin Padilla?

Frankie Pangilinan nag-sorry kay Risa Hontiveros, sinaway ang mga magulang: Ang lalandi!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending