VP Sara pumalag sa nagsabing ‘plagiarized’ ang ginawang libro
PUMALAG si Vice President Sara Duterte patungkol sa mga kumakalat na chikang kinopya niya mula sa foreign children’s book ang libro niyang “Isang Kaibigan”.
Matatandaang sa nagkasagutan sina Sen. Risa Hontiveros at ang bise presidente matapos nitong kuwestiyunin ang naturang libro na balak paglaaanan ng P100-M sa naganap na budget hearing para sa Office of the Vice President.
“Tell us more about the book ‘Isang Kaibigan’ at ilang kopya nito ang bibilhin ng gobyerno sa halagang P10 milyon, at idi-distribute?” tanong ni Hontiveros kay VP Sara.
“This is an example of politicizing the budget hearing through the questions of a senator. Ang problema niya kasi, nakalagay ‘yung pangalan ko doon sa libro, at ‘yung libro na ‘yan ibibigay namin doon sa mga bata.
Baka Bet Mo: VP Sara inisnab SONA ni PBBM, hindi rin manonood sa TV, gadget
“At ‘yung mga bata na ‘yan may mga magulang na boboto, at ‘yung pangalan ko ay nagkalat doon sa kung saan man ibibigay ‘yung libro,” sagot ni VP Sara.
I’m simply asking. Hindi ko ma-imagine, we’re making so much trouble, so much fuss about a P10-million item na itinatanong ko lang, simpleng ‘What is the book about?’ at ilang kopya ang bibilhin ng gobyerno sa halagang P10 million at idi-distribute. I don’t appreciate this kind of attitude,” sey naman ni Sen. Risa.
Napunta na sa usaping politika at eleksyon ang naging sagot ni VP Sara na hindi naman kinakailangan sa usapin.
Sa huli ay tinalakay ito na patungkol sa pagkakaibigan ang naturang libro.
Matapos ito ay maraming lumabas na chikang tila kinopya lang ang nais i-publish na libro ni Inday Sara.
Ngayong araw, naglabas ang kanyang opisina ng opisyal na pahayag tungkol sa isyung pangongopya.
“Mga kababayan, Napakadaling sumulat ng maikling kuwento batay sa sariling karanasan, hindi na kailangang mangopya pa. Ang proyekto ay para mahikayat ang mga bata na mahalin ang pagbabasa at sumulat ng sarili nilang kuwento,” panimulang pahayag ni VP Sara.
“Hindi ang libro ang problema ng bayan kundi ang kahinaan sa pagbabasa ng ating kabataan,” dagdag pa niya.
Sa dulo ay nagsabi pa si VP Sara na magsusulat siya ng isa pang libro para naman sa taksil na kaibigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.