Frankie Pangilinan nag-sorry kay Risa Hontiveros, sinaway ang mga magulang: Ang lalandi!
HINDI napigilan ni Frankie Pangilinan na sawayin ang mga magulang na sina Megastar Sharon Cuneta at vice presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan na hindi mapigilan ang pagiging clingy sa isa’t isa.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang larawan ng mga magulang na naglalambingan habang nasa campaign sortie.
Ang nasabing campaign rally ay naganap sa Pampanga noong April 9 kung saan nakunan ang candid moment ng mga magulang ni Frankie habang nag-aantay ng kanilang oras na magsalita sa stage.
Sa sumunod naman na tweet ng dalaga ay humingi naman siya ng paumanhin kay senatorial candidate Risa Hontiveros na makikitang katabi nina Megastar at Sen. Kiko sa larawan.
“Ang lalandi ng mga bata sen risa im so sorry,” saad ni Frankie.
ang lalandi ng mga bata 🤢 sen risa im so sorry pic.twitter.com/LPaI3CTfzT
— kakie (@kakiep83) April 9, 2022
Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na inasar ni Frankie ang mga magulang.
Matatandaang noong March 13 ay biniro rin niya ang mga ito to “get a room” habang nagki-kiss ang dalawa sa isang campaign sortie.
Marami naman ang naaliw sa tweet ng dalaga at the same time ay humanga sa klase ng pagmamahalan na meron ang dalawa.
“You’re lucky to have a very affectionate and loving parents. I know, its a bit cringey if its your parents but there’s so much inggit-factor coming from many of us.” comment ng isang netizen.
Saad naman ng isa, “Tawang tawa ako dito. Pero nong pinapanood ko si VP Kiko with the farmers lumuluha ako habang tumatalon sa saya ang puso ko. Baka nga sibuyas ako, dali kong maluha.”
Ang sinasabing ng netizen na “nakakaiyak” ay noong umakyat ang mga magsasaka sa stage at personal na i-endorso si Sen. Kiko sa pagka-bise presidente.
Marami sa mga netizens ang naantig dahil sa sonrang genuine ng ginawang pagsuporta ng mga magsasaka na isa sa mga tinutulungan at iponaglalaban ng ama ni Frankie noon pa man.
Related Chika:
Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.