Risa Hontiveros umaasang susunod si Duterte sa proseso ng ICC
NAGLABAS ng pahayag si Sen. Risa Hontiveros hinggil sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang Facebook post ngayong Martes, March 11, sinabi niya dumating na ang araw na hinhintay ng mga pamilyang ng mga namatay na biktima dahil sa “tokhang”.
“Pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni dating Pangulong Duterte, under oath, na haharapin niya ang kaso sa International Criminal Court. Sana, bilang abugado, siya ay sumunod sa mga proseso nito,” saad ni Sen. Risa.
Baka Bet Mo: Rodrigo Duterte arestado sa NAIA dahil sa ‘crimes against humanity’
View this post on Instagram
Ani Sen. Risa Hontiveros, inaasahan rin niya na tutuparin ng Malacañang ang mga pangako nito.
“I also hope that Malacanang will honor its word and accede to all requests of the ICC, through the Interpol, and ensure that justice will run its full course,” sey pa ng senador.
Hiling rin ni Sen. Risa na sana’y ito na ang simula para mahuli at mapanagot ang lahat ng mga government officials na responsable sa tokhang.
“The thousands of Filipinos killed during tokhang were not murdered by one man alone.
“Sana ay simula pa lang ito ng paghahabol sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpatay sa inosente o walang kalaban-laban,” giit ni Sen. Risa.
Matatandaang kinumpirma na ng Malacañang ngayong araw na natanggap na raw ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest mula sa ICC laban kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.