Alice Guo, 7 iba pa pinaaaresto ng Senado: ‘Magpakita na kayo’
NAG-ISYU ng arrest order ang Senado laban sa suspended Tarlac Mayor Alice Guo matapos hindi sumipot sa hearing ng committee on women probing into illegal Philippine offshore gaming operators (Pogos) noong July 10.
Ang panel head na si Sen. Risa Hontiveros at Senate President Chiz Escudero ang pumirma para sa pag-aresto sa alkalde, kasama ang kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, at Seimen Guo, pati na rin ang suspected mother na si Wen Yi Lin, ang accountant na si Nancy Gamo, at alleged authorized representative of Pogos na si Dennis Cunanan.
Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan nag-sorry kay Risa Hontiveros, sinaway ang mga magulang: Ang lalandi!
Ang mga kopya ng opisyal na kautusan ay ibinahagi mismo ng tanggapan ni Hontiveros sa media noong Sabado, July 13.
Base sa arrest order kay Guo, ang kanyang pagtanggi na humarap sa Senado ay nagdulot ng pagkaantala at pagkahadlang sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa paglabag sa human trafficking, serious illegal detention at physical abuse and torture ng Philippine Amusement Gaming Corporation.
Ayon kay Hontiveros, ang nasabing kautusan kay Guo ay isa lamang sa mga hakbang upang mapanagot sila sa mga batas.
“Sa dami ng kasinungalingan at posibleng krimen ni Mayor Alice at ng lahat ng sangkot sa Pogo, this is not merely procedural. This arrest order upholds the mandate of the Senate to safeguard the well-being of Filipinos,” saad ng senador sa isang pahayag.
Dagdag niya, “Patuloy naming hinihintay sa Senado ang kanyang pagdalo sa susunod na hearing, kasama na ang lahat ng taong nasa listahan na cited in contempt.”
Panawagan pa niya kay Guo at sa pitong iba pang sangkot, “Magpakita na kayo. Hindi mabubura ng inyong pagtatago ang katotohanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.