Lito, Lorna nade-develop na raw dahil sa 'BQ', Lolit Solis umalma

Lito, Lorna nade-develop na raw dahil sa ‘BQ’, Lolit Solis umalma

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 07:34 AM

Lito, Lorna nade-develop na raw dahil sa 'BQ', Lolit Solis umalma

Lito Lapid at Lorna Tolentino

LUKANG-LUKA ang ilang piling miyembro ng entertainment press sa mga pasabog na rebelasyon ng talent manager na si Lolit Solis tungkol kina Sen. Lito Lapid at Lorna Tolentino.

In fairness, talagang pak na pak ang tambalan nina Lorna at Sen. Lito sa Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Lumelebel nga ang loveteam nilang PriManda (pinagsamang karakter nila sa serye bilang Primo at Amanda) sa mga sikat na loveteam tulad na lang ng DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano).

Baka Bet Mo: Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas?

Palaban pa rin sina LT at LL sa mga intimate scenes, lalo na sa halikan, kahit na nga pareho na silang senior citizens.

Nakachikahan namin si Manay Lolit, manager ni Lorna, kasama ang ilan pang officer at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa thanksgiving presscon ni Councilor Alfred Vargas para sa pagkapanalo niyang best actor sa nagdaang FAMAS Awards 2024.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung totoong nililigawan ni LL si LT, “Naku, ‘Day! Sabi ko sa kanya, ‘Lagi mong isipin, galing ka kay Rudy Fernandez na mas mataas noon ang level.’ Di ba? ‘Dapat pagpipili ka, dapat ka-level din ni Rudy, ‘no!'”

Sundot na tanong kung sino ba ang naiisip niyang pwedeng maging dyowa ni Lorna, “E, hindi! Kung may makikita nga siyang ka-level ni Rudy. Kahit wala sa showbiz, ka-level man lang sana ng status ni Rudy, di ba?”

Baka Bet Mo: Lito Lapid balak nang mag-retire sa politika, wala pang maintenance medicine sa edad na 67: ‘Kaya ko pang mangabayo, pero…’

Buong-ningning naman niyang sinabi na kontra siya kung totoo ngang nagkakamabutihan sina Lorna at Lito, “Hindi, ‘no! Diyos ko, matapos anakan ni Lito Lapid si Michelle Ortega, gusto pa niyang anakan si Lorna?!”

Ang Michelle na tinutukoy ni Manay Lolit ay ang alaga rin niya noon. Nagkaroon ng anak ang dating aktres at si Sen. Lito at Michelle, siya ang Kapuso actress na si Ysabel Ortega.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Music (@starmusicph)


Nang tanungin kung wala bang dyowa ngayon ang aktor at senador, “Forever naman silang magkasama ni Marissa. Hindi naman humihiwalay si Marissa sa kanya ever since.” Na ang tinutukoy ay si Marissa Tadeo, ang legal wife ni Lito.

Pinagsabihan din naman daw niya si LT tungkol dito, “Sabi niya, ‘Hayaan mo na, ‘Nay. Anu-ano lang yan, kati-kati lang.’ Kati-kati lang, o?!” sabay tawa.

Nitong nagdaang June 7, inalala ng pamilya ni Lorna ang 16th death anniversary ni Rudy. Nagtungo si LT sa Heritage Memorial Park kung saan nakalibing ang pumanaw na asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Lorna ng video ng pagdalaw niya sa puntod ni Daboy at nilagyan ng caption na, “Until we meet again (praying emoji). 16th in Heaven our Life and Love (heart emoji).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending