Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas? | Bandera

Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas?

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas?

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 07:35 AM

Lito Lapid may plano nga bang tumakbong pangulo ng Pilipinas?

Coco Martin at Lito Lapid

NEVER na-imagine o inambisyon ng veteran actor at public servant na si Sen. Lito Lapid na maging presidente ng Pilipinas.

Ayon sa veteran actor, may mga grupo raw na nagpaparamdam sa kanya at tila nanghihikayat na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon pero hindi raw niya ito sineseryoso.

Sabi ni Sen. Lapid sa panayam ng ilang miyembro ng entertainment press kamakailan, sa ngayon daw ay wala na sa plano niya ang tumakbo muli sa next elections sa mas mataas na posisyon.

“Hindi ko naman talaga iniisip kahit anong habol ko noong araw pa. Mula nu’ng mag-vice governor ako at governor for nine years, hindi ko rin inaano tuwing election.

“Siguro, nararamdaman nila ang totoong pagseserbisyo ko sa kanila. Hindi man ako masalita, hindi man ako kumikibo, yung gawa, nararamdaman nila,” pahayag ng senador.

At sa tanong nga sa kanya kung nakikita ba niya ang sarili na maging Presidente ng bansa, “Ay hindi, hindi ko inisip yon. Kahit nung nag-vice governor ako, kahit senator, hindi ko inisip. Nangyari na lang talaga.”

Sundot na tanong sa kanya paano kung may mag-offer sa kanya na tumakbong pangulo, “Siguro, yun ang hindi ko gagawin. Hindi po, gusto mong wala kang gagawing mabuti, maging pangulo ka ng Pilipinas.”

Inamin ni Lito Lapid na may mga nagtangka na raw na mag-offer sa kanya noon, “May mga paswabe. Pero sabi ko, ‘Huwag niyo nga akong insultuhin. Para niyo akong iniinsulto para tatakbong Pangulo at Vice President.’ Baka Vice, baka sakali, I don’t know.”

Sabi pa niya, “Nasa Panginoon naman yan kung talagang nandoon ka, ibibigay sa yo yan. Pero ni isang katiting na pangarap sa isip ko, ni hindi sumuot sa isip ko.”

Dagdag pa ni Lito Lapid, “Kaya hindi ako pinapansin ng mga kaibigan kong senator dahil alam nilang hindi ako threat sa kanila. Alam nilang hindi nila ako magiging kalaban. Kaibigan ko silang lahat.”

Lito Lapid umaming hindi marunong makipagdebate sa Senado; ayaw pumatol sa bashers

Lito Lapid proud tatay sa mga na-achieve ni Ysabel Ortega sa GMA 7: ‘Ang galing na bata! Congratulations, anak!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rica kinilig sa sorpresa ni VP Leni; Agot sinupalpal si Lito Atienza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending