Lito Lapid proud tatay sa mga na-achieve ni Ysabel Ortega sa GMA 7: ‘Ang galing na bata! Congratulations, anak!’
PROUD tatay si Sen. Lito Lapid sa mga achievements ng kanyang anak na si Ysabel Ortega na gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan ngayon sa mundo ng showbiz.
Isa si Ysabel sa mga itinuturing ngayong most promising youngstars ng GMA 7 na siyang ka-loveteam ngayon ng Kapuso matinee idol na si Miguel Tanfelix.
Sa pre-Velentine at Chinese New Year gathering with the entertainment media, natanong nga si Sen. Lapid tungkol sa anak niyang si Ysabel na isa sa mga bibida sa “Voltes V: Legacy” ng GMA 7.
Alam naman daw ng actor at public servant ang nangyayari sa career ng dalaga at nakaka-proud daw na nakikilala na rin ito sa mundo ng telebisyon at marami-rami na ring nagawang proyekto sa Kapuso network.
“Congrats sa kanya. Pagbutihin niya. Nakita ko ang ibang mga galaw niya. Ang galing na bata! Congratulations, anak!” ang mensahe ni Senator Lapid kay Ysabel.
May nagkomento naman na posibleng magkatapat at maglaban sa ere ang “Voltes V: Legacy” nina Ysabel at ang bago niyang serye sa ABS-CBN na “FPJ’s Batang Quiapo” na pagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.
Sabi ng veteran actor na gaganap bilang hari ng mga mandurukot sa “Batang Quiapo”, “Hindi naman namin pareho gusto yun. Kasi, nakikipagtrabaho lang kami.”
Samantala, nagpapasalamat siya sa ABS-CBN at kay Coco dahil isinama pa rin siya sa cast ng “Batang Quiapo,” “It’s nice to be part of it as it aims to showcase the rich culture and heritage of Quiapo as one of the most popular districts in the city of Manila.
“I advocated the preservation of Quiapo’s cultural integrity in my proposed measure known as the Quiapo Heritage Zone Act.
View this post on Instagram
“Magandang pagkakataon ang ‘Batang Quiapo’ para itampok ang mayamang kasaysayan at kultura ng Quiapo at ipaalala sa lahat ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa isa sa pinakamatandang distrito sa lungsod ng Maynila,” paliwanag ng senador.
Hanggang ngayon ay super thankful pa rin daw siya sa “Ang Probinsyano,” “Hindi naman lingid sa ating lahat na nakilala ako ng mga millennials. Dati kasi, mga senior citizens lang ang nakakilala sa akin.
“Mga pelikula ko noong araw, tinatawag akong Leon Guerrero. Pagkatapos ng ‘Probinsyano,’ tinawag ako na ‘pinuno,’ ‘Yun ang kilala ng mga kabataan.
“Lalong-lalo na nun’g tumakbo akong Senador, tumaas ‘yung ranking ko, naging no. 7 ako. Kaya nagpapasalamat ako unang-una kay Coco Martin dahil nabuhay uli ang career ko sa bilang artista, at ngayon nga, nabibigyan na naman kami ng pagkakataon dito sa Batang Quiapo,” aniya pa.
Magsisimula na siyang mag-taping para sa nasabing serye sa darating na February at siniguro niya na wala itong magiging conflict sa trabaho niya bilang senador.
Lito Lapid umaming hindi marunong makipagdebate sa Senado; ayaw pumatol sa bashers
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.