Lorna Tolentino may rebelasyon sa ‘Batang Quiapo’, matatapos na ba?
BAGO umalis si Lorna Tolentino sa mediacon ng “Espantaho” ay natanong namin kung magtatapos na ang “FPJ’s Batang Quiapo” dahil isa-isa nang pinapatay ang mga major character tulad nina Ms Charo Santos-Concio at Cherry Pie Picache na nasaksak ni Lena played by Mercedez Cabral.
Naunang napatay n ani Lena si Lou Veloso na gumanap bilang si Noy at si Direk Joel Lamangan as Roda pero nabuhay ang huli.
Sagot ni LT sa amin, “Wala naman akong alam, pero ang alam ko, mawawala na ‘yung grupo namin nina senator Lito (Lapit) kas inga eleksyon na, ako siyempre bilang ka-grupo kaya abangan natin. Nasaksak nga sila (Marites at Tindeng) pero hindi sila patay, abangan mo.”
Anywaym namaalam na nga sa “FPJ’s Batang Quiapo” ang karakter ni Mercedes Cabral na si Lena, ang isa sa mga pinaka-pinanggigigilang kontrabida sa primetime TV.
Baka Bet Mo: Buking ni Lolit Solis, Lito Lapid nilalandi si Lorna Tolentino
View this post on Instagram
Buong pusong nagpasalamat si Mercedes kina Coco Martin at sa mga tagasubaybay ng Kapamilya teleserye para sa labis na tiwala at pagmamahal na pinaramdam sa kanya sa pagganap kay Lena.
“Gusto kong magpasalamat kay Coco kasi kung hindi niya binigay sa akin si Lena, hindi rin mag-iingay ‘yung pangalan ko bilang aktor sa mainstream TV. Para naman sa viewers, thank you kasi kahit alam kong naiinis kayo kay Lena, marami pa rin akong naririnig and nakukuhang comments na nakaka-touch pa rin sa akin bilang aktor,” sabi ni Mercedes sa isang video na ibinahagi sa social media ng CCM Film Productions.
Makapigil-hininga ang episode noong Biyernes (Disyembre 6) matapos mabaril at mapatay ni Rigor (John Estrada) si Lena upang mailigtas si Marites (Cherry Pie Picache) sa pananaksak ng dating jowa. Bago pa nito, tuluyan nang nakain si Lena ng matinding galit at poot nang masiraan siya ng bait dahil sa paghihiwalay nila ni Rigor at sa pagkamatay ng anak nila.
Inamin naman ni Mercedes na mami-miss niyang ka-eksena ang kanyang co-stars lalong-lalo na sina Cherry Pie at Direk Joel Lamangan dahil hindi niya inakalang ganun kaganda ang magiging chemistry nila.
Halos gabi-gabing pinag-uusapan at ginawan ng iba’t ibang trending memes ang karakter ni Lena dahil sa inis ng mga manonood sa kanya bilang kabit ni Rigor. Naging instant hit si Lena at pinuri naman si Mercedes sa husay niya sa pag-arte.
Bukod sa pagbansag sa kanya bilang “pambansang jumper,” nagkalat din online ang kaliwa’t kanan na videos kung saan ginagaya ng netizens ang ilang mga sikat na linya ni Lena tulad ng “gusto ko ng liempo” at ang pabebeng pagsabi ng “Righoouur.”
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.