Promise ni John kay Isabel: Alam ko magkakasakitan tayo pero gagawin ko lahat para maayos yun Bandera

Promise ni John kay Isabel: Alam ko magkakasakitan tayo pero gagawin ko lahat para maayos yun

Ervin Santiago |July 29,2021
share this

Promise ni John kay Isabel: Alam ko magkakasakitan tayo pero gagawin ko lahat para maayos yun

Ervin Santiago July 29, 2021 - 08:34 AM

TALBOG pa ng celebrity couple na sina John Prats at Isabel Oli ang bagong-kasal nang magpalitan uli ng pangako para sa isa’t isa on national TV.

Binigyan ng pagkakataon ang mag-asawa na mag-renew ng kanilang vows sa programang “Magandang Buhay” matapos nga silang mag-celebrate ng 6th wedding anniversary nitong nagdaang Mayo.

“Thank you for eight years and six months. Sabi ko nga ito ang pinakamahaba kong relationship, hindi ba? Eight years and six months and forever. 

“Thank you dahil sa lahat nang pagtitiis mo. I know all the sacrifices na ginagawa mo. Hindi ko binabalewala ‘yon, nakikita ko ‘yon and I appreciate it,” ang mensaheng ibinigay ni John sa kanyang misis.

Aniya pa, “And kagaya nang sinabi ko nu’ng first vow ko, natatandaan ko noong wedding natin, alam ko ‘di ako perfect at wala namang perfect at alam ko na masasaktan kita, alam kong magkakasakitan tayo. 

“Pero ang pina-promise ko talaga I will do my best and my everything to fix it. Never nating magiging option ang maggi-give up tayo. And I will love you forever,” dagdag pang promise ng actor-director.

Nangako naman si Isabel sa kanyang mister na gagawin niya ang lahat para mas maging matatag pa sa mga darating na pagsubok sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

“I want to thank you… kasi mas pinapakilig mo pa rin ako. Hindi talaga nawawala pa rin hanggang ngayon ‘yon. 

“I know it sounds corny pero ganoon talaga. You make me happy in your own little ways and weird ways. Thank you kasi eto talaga ang na-picture ko rin. ‘Yung dream ko dati na guy, ito ‘yon, ito talaga ‘yon,” pahayag ng hindi na gaanong aktibong aktres.

Dagdag pa ng dating Kapusp actresa, “Although we’re not perfect. Ako ang dami kong pagkukulang bilang asawa na akala ko dati ay ready-ing-ready na talaga ako, ang dami kong natutunan at ang dami ko talagang natutunan sa ‘yo. 

“Let’s learn together, fix kung anumang mga challenge. Let’s pray together at palaki nang palaki ng pamilya sana. I love you,” aniya pa.

At siyempre, tulad ng bagong kasal, nag-kiss din ang mag-asawa sa harap ng madlang pipol.

Ikinasal sina John at Isabel noong 2015 at biniyayaan nga ng tatlong anak.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending