John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF | Bandera

John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF

Ervin Santiago |February 22,2022
facebook
share this

John Lloyd muling nakipag-bonding kay Elias sa beach kasama ang rumored GF

Ervin Santiago - February 22, 2022 - 06:24 PM

John Lloyd Cruz at Elias

MUKHANG may bahid nga ng katotohanan ang chika tungkol sa bagong lovelife ng Kapuso actor na si John Lloyd Cruz.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang award-winning actor at Box-office King kung totoo bang may namamagitan na sa kanila ng Filipino artist na si Isabel Santos.

Ngunit marami ang naniniwala na may relasyon na raw ang dalawa base na rin sa mga litratong kumakalat ngayon sa social media lalo na ang mga bagong post ni Isabel sa Instagram kahapon.

Makikita sa mga IG photos ang  bonding moments nila ni John Lloyd kasama ang anak ng aktor kay Ellen Adarna na si Elias.

Sa isang litrato sa Instagram Stories, makikita sina John Lloyd at Elias na may dalawa pang ibang kasama plus dalawa pang mga kids sa may pond na maraming koi.

May litrato rin si Lloydie habang nakaupo sa dining area kasama ang dating child actor na si Sarji Ruiz na napanood noon sa “Ang TV.” Bukod pa ito sa mga beach photos ng Kapuso actor kasama ang anak.

Kung matatandaan, noong November, 2021 ay may mga naglabasan ding litrato nina John Lloyd at Isabel sa social media. Ang feeling ng netizens ay nagkakamabutihan na ang dalawa.

View this post on Instagram

A post shared by Isabel Santos (@somethingstarwars)


Kasunod nito, isinama pa raw ng aktor si Isabel noong December, 2021 sa Christmas party ng Crown Artist Management, ang talent management company ni Maja Salvador na siyang nangangalaga ngayon sa career ni John Lloyd.

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending