Karla sa 4 na anak mula sa iba’t ibang ama: Nakaguhit ‘yun sa palad mo

Karla Estrada kasama si Daniel Padilla at 3 pang anak
BUNGA ng true love at pagsasakripisyo ang pagkakaroon ng apat na anak ng TV host-actress na si Karla Estrada mula sa iba’t ibang tatay.
Hindi totoo ang mga chika na nangolekta lang siya ng lalaki para anakan siya nang anakan. In fact, bumilang din ng taon ang mga relasyon niya na nauwi lahat sa hiwalayan.
“Gusto ko naman talagang maging isa lang. Pero bakit ko maipipilit ang isang sitwasyon na pakikisama na alam kong hindi na puwede, hindi na masaya,” ang pahayag ni Karla sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Sabi ng nanay ni Daniel Padilla, minahal niya lahat ng lalaking nakarelasyon niya kaya masakit at hindi ito naging madali para sa kanya lalo pa’t nagkaanak siya sa mga ito.
“Lahat ng tatay ng mga anak ko, relasyon, taon ang pinagsamahan no’n. Hindi naman ito mga…na dumaan lang at hindi ko kilala ang mga ama. Ito ay relasyon sa bawat mga ama nila.
Baka Bet Mo: Karla kay Daniel: Kailangan mong magkamali para may matutunan ka
“Taon ang mga pinagsamahan. Apat, tatlo, limang taon ang mga pinagsamahan sa apat kong mga anak, sa apat na ama,” ang lahad ni Karla.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “So, hindi ko naman sasabihin na kapalaran pero kung nangyayari sa buhay mo, ibig sabihin nakaguhit ‘yun sa palad mo.
“Dahil hindi naman ako naniniwalang ‘Ay, okay na ako, ayoko na.’ Hindi. Talagang, trinabaho, sakripisyo, luha, na bakit…wala na naman ang sakit ulit.
“Bitbit ka naman ng anak, hiwalay ka naman. ‘Di ba, hindi madali ‘yun. At walang magkakagusto na gano’n ang maging buhay, na maya’t maya, nasasaktan ka,” pagbabalik-tanaw pa ni Karla.
Pagturihg pa niya kay Daniel at sa iba pa niyag mga anak, “Sila lahat ay bunga ng pag-ibig. At walang nakakahiya roon. Kasi lahat naman tayo nagkakamali. At mas naging pansinin lang ‘yung sa akin dahil ako’y isang artista.”
Sa tanong naman ni Tito Boy kung kaya ba niyang mabuhay nang walang lalaki, “Ngayon, kaya kong sagutin ng yes. Kasi meron na akong apo.” Ang tinutukoy niya ay si Claudio, anak ng kanyang anak na si Carlito.
Dagdag pa ni Karla, “Naiiwan na ako mag-isa. Matagal na akong naiiwan mag-isa sa bahay. Actually, si Claudio ang nagpapabata sa akin. Kasi parang ang tingin ko, bunsong anak, eh.
“I’m a happy person. I’m a joyful person. Lahat pinagtatawanan ko. That’s third generation from me,” sey pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.