Ellen Adarna ibinunyag ang sikreto sa matagumpay na relasyon, ambag sa bahay na tinitirhan nila ni Derek Ramsay | Bandera

Ellen Adarna ibinunyag ang sikreto sa matagumpay na relasyon, ambag sa bahay na tinitirhan nila ni Derek Ramsay

Pauline del Rosario |January 23,2023
facebook
share this

Ellen Adarna ibinunyag ang sikreto sa matagumpay na relasyon, ambag sa bahay na tinitirhan nila ni Derek Ramsay

Pauline del Rosario - January 23, 2023 - 01:05 PM

Ellen Adarna ibinunyag ang sikreto sa matagumpay na relasyon, ambag sa bahay na tinitirhan nila ni Derek Ramsay

PHOTO: Instagram/@maria.elena.adarna

IBINUNYAG ng actress-model na si Ellen Adarna ang sariling opinyon at sikreto para sa matagumapay na relasyon.

‘Yan ay matapos niyang sagutin isa-isa ang mga katanungan ng ilang netizens sa pamamagitan ng kanyang sa Instagram Stories.

Isa na nga riyan kung paano magkaroon ng matagumpay na relasyon, lalo na sa mga edad na late 20s.

Ayon sa aktres, para sa kanya ay dapat parehong maging maintindihin at may respeto sa isa’t-isa.

“For me, if both parties could be both one way, willing to grow and learn and understand and respect each other’s space and boundaries, then that’s a good start,” sey niya sa IG video.

May gusto ring malaman kung ano raw ang ambag ni Ellen sa bahay ng kanyang mister na si Derek Ramsay dahil nagsasama sila sa iisang bubong.

Proud namang sinabi ng aktres, “My presence and existence.”

At siyempre dahil bagong taon na, may nagtanong kung ano pa ba ang kahilingan ni Ellen sa kanyang buhay.

Agad naman siyang sinagot ng aktres at binanggit na para sa kanyang anak na si Elias at mister ang kanyang wish.

“My only wish is peace, harmony, and balance and for Elias to grow up okay and strong and for my husband to have zero pains in his body,” saad niya.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay muling ikinasal sina Ellen at Derek sa Peru at tinatawag itong “Peruvian despacho ceremony.”

Ang nasabing kasal ay kasabay ng kanilang first wedding anniversary.

Matatandaan noong February 2021 ay kinumpirma ng dalawa na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Matapos ang isang buwan ay nag-propose na ng kasal si Derek kay Ellen at noong November 2021 ay ikinasal na ang dalawa sa Bataan.

Related chika:

Ellen Adarna sa 46th birthday ni Derek Ramsay: My one and only…

Ellen Adarna sa netizen na humingi ng payo ukol sa mga manloloko: ‘Di na uubra and advice sa ‘yo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ellen Adarna, Derek Ramsay muling nagpakasal: ‘Thank you for changing my life…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending