Annabelle Rama maraming rebelasyon sa huling lamay para sa labi ni Ethel Ramos; Aga Muhlach matigas ang ulo, nagrebelde | Bandera

Annabelle Rama maraming rebelasyon sa huling lamay para sa labi ni Ethel Ramos; Aga Muhlach matigas ang ulo, nagrebelde

Ervin Santiago - September 18, 2023 - 07:14 AM

Annabelle Rama maraming rebelasyon sa huling lamay para sa labi ni Ethel Ramos; Aga Muhlach matigas ang ulo, nagrebelde

Ethel Ramos, Annabelle Rama at Eddie Gutierrez

MARAMING naloka sa mga rebelasyon ng talent manager na si Annabelle Rama sa naging eulogy niya sa huling lamay para sa yumaong talent manager at veteran entertainment columnist na si Ethel Ramos.

Na-cremate na ang labi ng tinaguriang “Dean of Entertainment Writers” at naihatid na rin sa kanyang huling hantungan ng kanyang mga naulilang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Ilan sa mga nagbigay ng kanilang mensahe sa last day ng wake ni Tita Ethel ay sina Cavite Rep. Lani Mercado, Vilma Santos, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Aga Muhlach, Ina Raymundo at marami pang iba.

Nag-alay naman ng kanta sina Mark Bautista, Ice Seguerra at Jamie Rivera pagkatapos ng misa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero ang talagang tumatak sa mga bumisita sa huling araw ng lamay ay sina Tita Annabelle at Aga.

Ayon sa nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, nakilala niya si Tita Ethel noong 1969, isang taon matapos niyang lisanin ang Cebu para manirahan pansamantala sa Maynila.

“May nagsabi sa akin, ang ganda-ganda mo, ipakilala kita kay Ethel, isang magaling na manager baka mahawakan ka niya.

“Ang sabi ko naman kay Ethel, hindi ako pwedeng mag-artista dahil Bisayang-Bisaya ako. Hindi ako marunong mag-Tagalog. Isa lang gusto kong hilingin sa ‘yo. Kaibigan mo ba si Eddie Gutierrez? Isa lang ang pinunta ko sa Manila, siya,” pagbabahagi ni Tita Annabelle.

Tanong daw ni Tita Ethel sa kanya, “’Gusto mo gawin kitang cover ng magazine para mapansin ka ni Eddie Gutierrez?’” na sinagot naman niya ng, “Ano gagawin ko?”

Baka Bet Mo: Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho…

“’Hindi naman hubad pero kita lahat.’ Ang sabi ko, ‘Pwede. Baka sumikat pa ako.’ Siyempre maganda ang katawan ko, cover ako ng Graphic Magazine for New Year 1969.

“Pero hindi naman pwede kay Ethel ang walang takip dahil madasalin siya at madasalin din ako. So may takip pa rin ako. So naging close na kami ni Ethel,” pag-alala pa ni Tita Annabelle sa kapwa niya talent manager.

May pasabog ding chika ang nanay ni Ruffa patungkol kay Elizabeth Oropesa na naging leading lady noon ni Tito Eddie Gutierrez.

“Nagalit ako kay Ethel at hindi ko siya kinausap ng matagal. Pero namg tumawag siya sa akin at kinumusta niya ako, nag-usap na kami ulit. Dinala niya ako sa El Oro, kay (Elizabeth) Oropesa ‘yun. Tumatambay ako araw-araw sa El Oro. Enjoy ako sa mga chismis doon.”

Patuloy pa niya, “Dinala niya ako sa Sampaguita at doon ko na-meet si Eddie. Lahat ng wig sinusuot ko para hindi ako makilala ng tao. Sabi sa akin ni Ethel, bawal akong mag-display kasi Sampagutita artist si Eddie.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nang mabuntis daw siya, biglang nagpunta sa Amerika si Eddie para iwasan siya, “Bumalik ako sa Manila at nanganak ako sa Makati Med. Wala si Eddie, nasa States.

“Pero nu’ng nalaman niya na babae ang anak namin, bumalik siya at dinadalaw niya si Ruffa lang. Nu’ng pumunta si Eddie ulit sa States, sumunod na ako kasama ko si Ruffa. Nine years ako doon at 13 years old na si Ruffa nang bumalik kami sa Pilipinas.

“Kami ni Ethel, talagang best friends kami. Sabi sa akin paulit-ulit, ‘Kung hindi dahil sa akin, walang Eddie Gutierrez sa buhay mo.’ Utang na loob ko talaga kay Ethel ‘yun. Hindi ko makakalimutan.

“Hanggang sa binigay niya si Ruffa sa Golden Lions, kay Donna Villa at kinuha ko siya publicist ni Ruffa sa bawat movie. Sila ni Ricky Lo, si Alfie Lorenzo at Chit Ramos sa tabloid,” ang chika pa ni Tita Annabelle.

Samantala, tumatanaw naman ng utang na loob si Aga Muhlach kay Tita Ethel na naging manager at nanay-nanayan na niya sa showbiz sa loob ng tatlong dekada.

“In 1984, I did ‘Bagets’ and that was followed by ‘Hot Shots’ then ‘Campus Beat.’ Napakaganda ng pasok ko sa showbiz when I was 14, 15, 16. And then, nagrebelde ako. Bilang binata na nakaramdam ng kasikatan, akala ko walang katapusan ang buhay noon,” simulang pagbabahagi ni Morning.

“I was doing movies left and right. Mother Lily was helping me out. Si Tita Ethel ang nagha-handle ng press cons. I hate attending press cons. Sometimes, dumadating ako patapos na. Most of the times, hindi ako dumadating,” sey pa ni Aga.

Ipinagkatiwala raw siya ng amang si Cheng Muhlach kay Tita Ethel, “I was 19 at that time and pinatawag ng tatay ko si Tita Ethel. Sabi ng tatay ko, ‘Aga, eto (Ethel) ang kailangan mo.’ ‘Pag bata ka naiinis ka ‘pag pinakikialaman ang buhay ko.

“I asked Tita Ethel if we could meet the following day sa Bistro Lorenzo at 1 p.m. She told me, ‘If you are late one minute, forget it.’ So our meeting pushed through and we talked until evening.

“After all those stories, she asked me, ‘Are you ready for the big time?’ Who doesn’t want to be big time? Of course.’ Then she asked me again, ‘Do you know what it takes to be in that league?’ Whatever it is, I’m ready for it. It started just like that,” pag-alala pa ng award-winning actor sa kanyang second mother.

Pagpapatuloy pa niya, “Whatever it was, Tita Ethel covered me and shielded me from what was happening. Tita Ethel and I had this relationship that no one would ever know.

“What we talked about, lahat ng sakit dinaanan ko kay Tita Ethel. Ang hirap how she really molded me kasi matigas ang ulo ko talaga. But I had aspirations and big dreams and she saw that in me.

“It was really hard for me, but I saw results. I was seeing results every time, every year. We saved and saved. She was telling me, ‘Aga, one day you’re going to get old and when you have no money, you cannot say ‘no’ to work.

“So until now, I remember that. Sa lahat ng tulong that she did for me, I am forever grateful. Wherever I am, whatever I have. My wife, my kids, are all because of Tita Ethel. That’s true.

“I worked. I did, but she was really my wings. She did it for me. She was so selfless. All she thought was about me. Paano ko sisikat, paano ko titino, paano ko yayaman. At paano makahanap ng napakahusay at napakabait na asawa.

“I worked but kung walang guidance ni Tita Ethel, wala na rin ako. That’s why I owe it to her. It will be hard for you to understand what we had together in those 30-plus years.

“I gave her the respect that she deserved and she did the same for me. So maraming-maraming salamat, Tita Ethel,” pagbabahagi pa ni Aga.

Ruffa emosyonal dahil sa health status ng amang si Eddie Gutierrez

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Dino kay Robin Padilla: Congratulations kuya Senator! Sa wakas, maipapasa na ang Eddie Garcia Bill!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending