Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit! | Bandera

Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit!

Ervin Santiago |January 31,2023
facebook
share this

Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit!

Ervin Santiago - January 31, 2023 - 02:04 PM

Hiwalayang Manny at Jinkee fake news, Annabelle Rama umalma: Alam ko kung sino ang gumagawa ng tsismis, mamatay ka sa inggit!

Jinkee Pacquiao, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez at Manny Pacquiao

ABANGERS ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao kung kakasuhan nila ang mga taong nagpapakalat ng malilisyosong balita tungkol sa kanilang pamilya.

Mainit kasing pinagtsitsismisan ngayon ng mga Marites all over the universe ang chikang naghiwalay na raw sina dating Sen. Pacquiao at misis nitong si Jinkee.

Nagsimula ito sa isang YouTube channel na disabled ang comments section kung saan tahasan nitong ibinalita na hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.

As in talagang  matapang ang pagkakalahad nito na parang siguradong-sigurado sa ibinabalita niya sa publiko sa kanyang vlog.

Maraming netizens ang nag-suggest na turuan ng leksyon nina Manny at Jinkee ang nasabing vlogger at idemanda ito ng. cyberlibel dahil nagpapakalat nga ito ng fake news.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)


Isa nga sa mga nagtanggol sa celebrity couple ay ang kaibigan nilang talent manager na si Annabelle Rama. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, sinabi nitong tsismis at walang basehan ang naturang balita.

“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS.

“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG  NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’s A FAKE NEWS.

“UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY.

“BUSY SI JINKY SA 3HECTARS MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS.

“KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” ang kabuuang hirit ni Tita Annabelle.

Samantala, pati ang nananahimik na si Sen. Raffy Tulfo ay nadamay na rin sa nasabing fake news dahil may kumakalat ding balita na pinayuhan daw niya si Jinkee na tigilan na ang harap-harapang panloloko kay Manny.

Ilang taong malapit sa mag-asawa ang nagpatunay na very much together pa rin ang dalawa, kabilang na rito ang ilang litrato na ipinost sa social media kung saan magkasama pa sina Pacquiao at Jinkee.

Bukod dito, nitong nagdaang Linggo ay nag-post.din si Jinkee sa Instagram ng photo nila ni Manny na may caption na, “Every day, I love you more!”

So, kayo na ang bahalamg humusga kung hiwalay na nga ba ang mag-asawa.

Bossing sa nagpapakalat ng fake news: Hindi natin ‘yan palalampasin, pagbabayaran n’yo yan

Jinkee, Manny nagbakasyon sa Japan, ibinandera ang mga branded na gamit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abogado ni Bea nagbantang idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa farm ng aktres sa Zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending