Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho... | Bandera

Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho…

Ervin Santiago |May 16,2021
facebook
share this

Hugot ni Bea sa mga lalaki: Hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho…

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 09:51 AM

VIRAL ngayon ang isang video clip kung saan ini-interview ni Ethel Booba ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Ang nasabing panayam ay kinuha ng isang netizen sa YouTube vlog ni Ethel kung saan nagharap nga sila ni Bea para isang collab. Muli itong ipinost ng netizen sa TikTok.

Mapapanood nga rito ang naging sagot ni Bea sa tanong ni Ethel kung may naging dyowa siya sa mga naging leading man niya noon sa mga ginawa niyang teleserye at pelikula.

Inisa-isa pa nga ng award-winning actress ang pangalan ng mga aktor na naka-partner niya sa kanyang mga proyekto sa loob ng napakaraming taon at binalikan kung may nanligaw nga ba sa kanya noon.

“Sa mga naging leading man mo, sino ‘yung mga totoong nanligaw sa ’yo?” ang diretsahang tanong ni Ethel.

“Leading man? Teka isa-isahin nga natin. Si Derek (Ramsay), hindi. Si Sam (Milby), definitely, hindi. Si John Lloyd (Cruz) ‘di naman naging kami. Parang wala,” simulang tugon ni Bea.

“Wala ba?” pag-ulit ni Ethel sa kanyang tanong.

“Wala. Kasi kahit si Papa Paulo (Avelino). Eh si Paulo sobrang lapit nu’n sa akin nu’n.

“Baka hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho. Ang hirap. Mag-aaway kayo sa taping, ‘di ba?” tugon uli ng tinaguriang Drama Queen ng kanyang henerasyon.

Kasunod nito, bigla namang naisip ni Bea si Zanjoe Marudo na isa sa mga celebrity na naging boyfriend niya noon. Ngunit aniya, hindi pa sila nagkakasama sa trabaho nang maging sila.

“Si Zanjoe hindi ko naging leading man ata. Ay naging leading man ko sa MMK. Pero naging kami five or six years later pa. So hindi dahil nakatrabaho ko siya,” pahayag pa Bea.

Hindi naman nabanggit ng dalaga sa chikahan nila ni Ethel ang pangalan ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Nagkasama na rin ang dalawa noon sa isang pelikula ngunit hindi lang kami sure kung magkarelasyon na sila noon o hindi pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta ang sigurado kami, after nilang gawin ang nasabing movie ay naging open na sina Bea at Gerald sa kanilang relationship hanggang sa mangyari na nga ang kontrobersyal na break-up with matching “ghosting” pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending