Kambal na anak nina Aga at Charlene normal ang naging buhay noong bata, nakaranas ng iba’t ibang laro sa probinsya
NORMAL naman daw ang naging buhay ng kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Atasha at Andres noong kanilang kabataan.
Ito’y dahil na rin sa ibinigay na pagmamahal, pag-aalaga at pagdidisiplina sa kanila ng mga celebrity parents habang sila’y lumalaki at nagkakaisip.
Pahayag ni Atasha nang makachikahan ng showbiz press kamakailan sa contract signing niya sa Viva Artists Agency, “We experienced a normal life going to school, playing sports.”
“Growing up, we had a very normal childhood. Even my friends and the people around me, they never treated me differently.
“Me and my brother, we grew up in the province in Batangas. We really had to experience all those things. Playing with toys, jackstones, chicks,” masayang kuwento ng dalaga na handang-handa nang sumabak sa mundo ng showbiz.
Aniya pa, “We never really felt any different until basically we got older and we started experiencing attending a premiere night. So, this what it’s like.”
View this post on Instagram
Nang matanong tungkol sa nararamdaman niya ngayong papasukin na rin niya ang showbiz tulad ng kanyang mga magulang.
“I wouldn’t say it’s hard. I wouldn’t also say I’m pressured. If anything, I really look up to my parents. Of course, I do admire them.
“If ever, I’m just encouraged to somewhat be like them and to really take their guidance and see how far I can go in this industry,” dagdag ni Atasha.
Samantala, may mga naka-line up nang mga pelikula sa Viva Films si Atasha kung saan ipakikita niya sa madlang pipol ang kanyang talento sa pag-arte.
Bukod dito, sasabak na rin siya sa recording anytime soon dahil napakagaling ding singer ng kakambal ni Andres Muhlach.
Pero ang tanong ng netizens, kailan naman daw kaya papasukin ng binatang anak nina Aga at Charlene ang showbiz?
Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.