Video ng anak nina Charlene at Aga na si Atasha habang kumakanta gamit ang sandok viral na, inalok mag-perform sa ‘ASAP’
MUKHANG nagpaparamdam na ang dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach na gusto na rin nitong pasukin ang music industry.
May video post si Charlene sa kanyang Instagram account na habang nasa kusina si Atasha ay kumakanta sabay rap na ang gamit na mikropono ay sandok habang sumasayaw-sayaw pa.
Ang caption ni Charlene sa ipinost na video ng anak, “Last na to promise. Hehe
Sorry, @atashamuhlach_ Don’t get mad just wanted to share because I thought this video was so cute. But please next time use a microphone. Love you Ate.”
View this post on Instagram
Kaya nasabing “last na ‘to promise” ay dahil may naunang video post si Charlene na kumakanta si Atasha ng “Babalik Sa ‘Yo” ni Moira dela Torre habang nasa study table dahil may hawak pa siyang ballpen.
Duda namin ay kuha ito ni Atasha habang nasa dorm siya sa ibang bansa at kaya niya bini-video ang sarili ay para ipadala sa magulang para hindi siya ma-miss.
May “K” o karapatan naman talagang i-post ito ng proud mom ni Atasha dahil ang ganda ng boses ng dalaga. Nang binasa namin ang mga comments ay isa ang TV executive ng “ASAP” ang nagsabing, “Lika na @atashamuhlach.”
Baka Bet Mo: Heart proud na proud kay Atasha Muhlach matapos rumampa sa ‘Le Bal des Débutantes’ sa Paris
Hayan pinapa-guest na ang anak nina Aga at Charlene sa Sunday musical show ng ABS-CBN. Maraming nagkomento sa post ni Charlene.
Clapping hands emoji ang reaksyon ng aktres na si Maja Salvador sa video ni Atasha.
Say naman ng aktres na si Iza Calzado, “I adore her.”
Mula sa netizen na si @itsysacollano, “’Yung low-key ka lang pero may super supportive parents ka ang cute niyo po.”
Komento ni @robbiepinera, “Love it!!!! @atashamuhlach_ (clapping hands emoji).”
Galing sa netizen na si @lopezjelina, “She is so cute! And in fairness ang ganda ng boses niya.”
View this post on Instagram
Siyempre proud din ang equally beautiful lola ng dalaga na si Mommy Elvie Gonzales, “Love it Tash (clapping hands emoji).”
Comment ng dating head writer ng ASAP na si Garlic Garcia o mas kilala bilang si @bigbadbawang na ngayon ay Viu Philippine’s Head of Content na, “She’s so good and I love the personality. You raised a wonderful young woman @itsmecharleneg & @agamuhlach317. Keep singing Atasha.”
Humanga rin sa dalaga ang konsehala ng 5th District ng Quezon City na si Aiko Melendez, “Wow she is so good and beautiful apaka ganda.”
Hiling ng pinsan ni Atasha na si @aamuhlach, “Full cover plsssssssss.”
Sabi rin ng netizen na si @katsiegerman, “Ganda na ng face. Ganda pa ng voice.”
Total package naman ang sabi ng netizen na si @aokilove30, “Yieee and she can play instruments too especially piano. Can still remember it. An artist too because she can paint as well. what a talented beautiful human. Plus she plays sports too, a total package.”
Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.