Joey de Leon pumalag sa mga bashers, Michael V. nadamay: 'Mahirap na ngayong magpatawa, marami na ngayong namumuna' | Bandera

Joey de Leon pumalag sa mga bashers, Michael V. nadamay: ‘Mahirap na ngayong magpatawa, marami na ngayong namumuna’

Therese Arceo |October 03,2023
facebook
share this

Joey de Leon pumalag sa mga bashers, Michael V. nadamay: ‘Mahirap na ngayong magpatawa, marami na ngayong namumuna’

Therese Arceo - October 03, 2023 - 08:08 PM

Joey de Leon pumalag sa mga bashers, Michael V. 'nadamay': Mahirap na ngayong magpatawa, marami na ngayong namumuna
BINASAG ng TV host-comedian na si Joey de Leon ang mga taong patuloy na nambabatikos sa kaniya matapos ang kanyang viral lubid joke.

Sa pamamagitan ng mga salita ni Michael V. sa nagdaang 3rd Philippine Film Industry Month, pinalagan ng “E.A.T.” host ang mga nangba-bash sa kanya.

Ito ay ibinahagi ni Joey sa kanyang X (dating Twitter) nitong Linggo, October 1.

“Mahirap na ngayong magpatawa. Marami na ngayong namumuna, Tingin nila mas magaling sila, Sila ang dapat narito pala!” saad ni Joey.

Dagdag pa niya, “Eh ano ang tawag sa kanila? Kung sa lugar mo’y ang tagal mo na Mas kwela sila palagay nila Ayunnn…INGGITERO’T INGGITERA!”

Baka Bet Mo: Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: ‘Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang tweet ni Joey.

“Ilagay nyo Sa lugar ang iyong joke. Maging sensitive sana po kayo Sa bibitawan nyong jokes. Mas okay po if mag retire na lang kayo, give chance to the new breed of talents . God Bless you po,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Simula pa nung dekada 90 laos na ang style mo tatang Joey. I hate to say it but corny na ng mga linya mo. Siguro it’s time to retire na lang. Hello 2023 na pero pang 80s pa din jokes mo. PLus dami mo pa red flags…tama na po tatang.”

“Nagbabago ang panahon. Umuusad ang kamalayan at kaisipan ng tao. Yung dating mga tanggap sa lipunan na gawi, napatunayan na na di dapat. Di ang tao ang mag-aadjust sa’yo. Matuto kang magpakumbaba. Kung nagkamali itama. Wag mo panindigan yung wow mali mo,” sey naman ng isa.

May mga tao rin namang nagtatanggol at dumidepensa sa komedyante.

Matatandaang noong September 29 nang ipagdiwang ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 3rd Philippine Film Industry Month, na ang tema ay “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan” kung saan honorees sina Vice Ganda, Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Michael V, Eugene Domingo, Ai-Ai delas Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Pawang si Michael V lang ang nakapunta at nagbigay mensahe.

“Nowadays, dahil napaka-rampant na ng social media, at nakikita mo na visually kung sino itong mga pina-parody nila, at kung saan-saan nakikita at naririnig mo yung mga pina-parody nila, pinakita ko sa isang vlog ko yung mga criteria ko kung paano gumawa ng parody. And doon makikita mo talaga na hindi ganun kadali… pinapahirapan ko actually ang sarili ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” saad ni Bitoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending