Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian | Bandera

Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian

Ervin Santiago - June 12, 2023 - 01:30 PM

AWANG-AWA ang talent manager na si Lolit Solis kay Joey de Leon dahil sa pagiging emosyonal nito kapag napag-uusapan ang mga kontrobersyang kinakaharap ng “Eat Bulaga.”

Ayon kay Manay Lolit, ramdam na ramdam niya ang kalungkutan ng veteran TV host-comedian habang nakikipag-usap sa mga showbiz writers and reporters.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang talent manager ng litrato ni Boss Joey na may caption na, “Naawa naman ako Salve kay Joey de Leon dahil talagang na sad siya sa mga nangyayari ngayon.

“Very sentimental si Joey de Leon kaya mababa ang luha niya. Teary eyed siya pag kausap ng mga showbiz writers kaya naman feel ng lahat ang sadness niya,” saad ni Manay Lolit.

Kahit daw ang kasamahan at kaibigan ni Joey na si Vic Sotto ay hindi pa rin nakaka-move on sa pagre-resign ng TVJ sa TAPE at sa pamamaalam nila sa “Eat Bulaga” ng GMA 7.

Baka Bet Mo: Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Mismong ang wifey daw ni Bossing Vic na si Pauleen Luna ang nagsabing biglang tumatahimik ang komedyante kapag sasapit na ang tanghalian.

“Kahit nga si Vic Sotto sabi ni Pauleen Luna talagang naging tahimik nang matagal tuwing sasapit ang oras ng tanghali. Buti na lang at nandiyan si Talitha na pinasasaya siya lagi.

“Naku pag naman inabot ka ng 40 years na lagi kayo magkasama imposible naman talaga makalimot ka.

“Siyempre nanduon pa rin iyon feeling mo na magkasama kayong lahat together. Naku matatagalan talaga maka recover dito sa nangyari sa Eat Bulaga.

“Tutoo nga, mabu Bulaga ka sa mga magaganap na eksena. Hindi mo akalain ha, pagdating pa ng 40 years mangyayari ang ganito. Ayaw ni Talitha niyan, hindi bongga,” ang kabuuang caption ni Manay Lolit sa kanyang IG post.

Sa ngayon ay hinihintay na lang kung kailan at anong timeslot ilalagay ang gagawing programa ng TVJ at ng iba pang original Dabarkads sa TV5.

Nag-sign na ng deal ang TVJ sa Media Quest Holdings, Inc. na siya ngang magpo-produce ng bagong show ng iconic trio na sinasabing makakalaban ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Related Chika:

Joey de Leon may sex life pa ba sa edad na 76?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending