Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: 'Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon' | Bandera

Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: ‘Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon’

Ervin Santiago |September 26,2023
facebook
share this

Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: ‘Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon’

Ervin Santiago - September 26, 2023 - 07:12 AM

Rendon Labador bumanat kay Joey de Leon sa isyu ng lubid joke: 'Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon'

Joey de Leon at Rendon Labador

NANAWAGAN ang mga fans ni Vice Ganda sa social media personality na si Rendon Labador na banatan din ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa kontrobersyal at viral “lubid” joke ni Joey sa “Gimme 5” segment ng noontime show nilang “E.A.T.” sa TV5.

May himig panunumbat ang bagong hugot ni Rendon na ipinost niya sa Instagram Story kahapon kung saan mababasa ang ilan sa mga mensahe ng netizens sa kanya na may konek sa isyung kinasasangkutan ni Joey.

Sey ni Rendon, pagkatapos daw siyang batikusin ng mga fans dahil sa paninita niya kay Vice at sa partner nitong si Ion Perez ay lalapit sa kanya ngayon para sabihing banatan din ang “E.A.T.” host na si Joey dahil sa pagbibiro nito na may kauganayan sa suicide.

Sa segment nga ng show na “Gimme 5: Laro Ng Mga Henyo” nitong nagdaang Sabado, September 23, ang tanong sa isang contestant ay magbigay ng mga bagay na isinasabit sa leeg.

Necklace lang ang naibigay ng contestant kaya naman humirit si Joey ng, “Lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo.” Kasunod nga nito ang pamba-bash at pag-call out kay Joey ng mga netizens at pinaalalahanan siya na hindi tamang gawing joke ang suicide.

Nangako naman ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na iimbestigahan nila ang “E.A.T.”, “Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Samantala, dahil wala na nga siyang Facebook account, sa IG na lamang niya idinaan ang kanyang paghagupit kay Joey. Pasalamat daw ang comedian at wala na siyang FB.

“Joey, pasalamat ka wala na ako sa Facebook. Nakalusot ka ngayon,” ang hirit ni Rendon.

Ni-repost din niya sa isa pang Instagram story ang mensaheng ipinadala sa kanya ng mga supporters ni Vice Ganda. Feeling daw kasi nila ay hindi na naman ito pakikialaman ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Hirit ni Rendon, “Nagalit kayo sa akin dahil idol ninyo ang sinita ko. Tapos lalapit din kayo para i-boses na maitama ang mga mali.

“Ako ang nag-iisang tao dito sa Pilipinas na nagsasabi ng mga katotohanan para maitama ang mga mali, galit pa kayo sa akin. Sino na ngayon ang may lakas ng loob pumuna sa mga ‘yan?” pagmamalaki pa niya.

MTRCB tiniyak na iimbestigahan ang mga reklamo laban sa ‘lubid joke’ ni Joey de Leon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey de Leon pinagmumura ng netizens dahil sa ‘lubid’ joke sa ‘E.A.T.’, MTRCB kinalampag: ‘Galaw, galaw Lala Sotto!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending