Jose Manalo, Wally Bayola mga bagong hosts ng ‘Wow Mali: Doble Tama’, thankful kay Joey de Leon
MATAGAL na palang nakaplano ang pagbabalik ng programang “Wow Mali” na umere sa TV5 noong 1996 at nagtapos ng 2015 na si Joey de Leon ang host.
Ngayong 2023, pagkalipas ng walong taon ay ipinasa na ni Henyo Joey kina Jose Manalo at Wally Bayola ang pagbabalik ng comedy show na mapapanood tuwing Sabado, 6:15 PM simula sa Agosto 26 at 7PM sa Buko Channel.
Sa ginanap na media launch ng “Wow Mali: Doble Tama” nitong Huwebes sa TV5 Studio 6 ay inamin nina Jose at Wally na pandemic pa ito nakakasa kaya lang dahil lock down ang buong bansa kaya hindi muna sila nag-shoot.
“Pandemic palang tinanong na kami ng APT (Entertainment) at in-offer nga siyempre um-oo kami. Kaya lang sabi namin, ‘alam ba ni Tito Joey ito?’ ‘Yun agad ang tanong namin nab ago namin tanggapin ito, Wow Mali ito, 20 years.
“Sabi namin na magpapasintabi kami at umokey naman si boss Joey at sabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okay.’ Kaya salamat boss Joey,” bungad paliwanag ni Jose.
Dagdag naman ni Wally, “kung baga kami na ang nag-aantay tulad nga ng sinabi ni Jose pandemic time pa sinabihan kami na magkakaroon kami ng show tapos naghihintay kami (matagal) akala ko na hindi na tuloy kasi nga lockdown, lockdown then heto na, pasalamat kami kay boss Joey. Salamat po at kami ang naatasan.”
Ang mga pagbabago raw sa “Wow Mali: Doble Tama”, “hindi namin kailangang lumayo sa look ng dating Wow Mali kasi pinag-usapan nilang (creative department) mabuti kung ano ‘yung dapat na gagawin namin, gagawin nila, so, nag=usap ng maayos para hindi kami lumayo doon sa concept ng original na Wow Mali dati pero may konting level-up,” esplika ni Jose.
Baka Bet Mo: Wally Bayola malutong na nagmura sa national TV, ‘E.A.T.’ ipinatawag ng MTRCB
Sa orihinal na “Wow Mali” ay hindi nagpapakita ang host, pero sina Jose at Wally ay lalabas pero may twist at panoorin na lang daw.
“Pero siyempre sa huli na ‘yung surprise,” saad naman ni Wally.
Tinanong ang JoWa (tawag sa dalawang hosts) kung naisip nilang baka ginudtaym sila sa offer ng Wow Mali kasi nga kay Joey de Leon ito.
“Oo naisip din namin ‘yun, kaya ang ginawa namin dumiretso na kami kay boss Joey na magtanong para siguradong walang wow mali na ginawa sa amin,” pag-amin ni Jose.
Inamin ding malaki ang tiwala sa kanila ni henyo master Joey kaya pumayag siyang sina Jose at Wally ang papalit na hosts ng programang malaking parte ng karera niya as TV host.
At dahil “Wow Mali: Doble Tama” hosts ang JoWa paano kung sila naman ang i-prank at bagong gising paano kaya sila magre-reak.
“Ako, siguro sasampalin ko,” tumawang sagot ni Jose. “Yung reaksyon siguro hindi ko alam pero hindi ako magagalit, parang (naisip ko) pati kami?’say ni Jose.
Pero kapag lumabas na raw ang JoWa sa dulo ay ang saya ng mga taong nakakita sa kanila.
“So far wala pong nangyayaring (kami ang na-prank) kapag nakita na kami nagugulat sila,”sambit naman ni Wally.
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang nailalabas na desisyon ang pamunuan ng MTRCB sa E.A.T tungkol sa aksidenteng napamura si Wally sa isang segment ng programa kamakailan.
Hiningan ng reaksyon si Wally tungkol dito pagkatapos ng mediacon at aminado naman na nagkamali siya at humingi siya ng dispensa at sa kasalukuyan ay waiting din sila sa desisyon ng nasabing ahensiya ng gobyerno.
Sabi naman ni Jose ang kaibigan kapag may nagawang kasalanan ay humingi kaagad ng sorry.
“‘Wag nang patagalin. Kung kasalanan mo, mag-sorry ka. Wala namang masama. ‘Di nakakabawas ng pagkatao ang pagso-sorry. The more na nagpapakumbaba ka, the more na mas maganda ang ginagawa mo.”
Anyway, co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang Wow Mali: Doble Tama ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies! At para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama”, ay i-follow lamang ang social media pages ng TV5.
Related Chika:
Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga
Wally Bayola nag-sorry sa ginawang pagmumura sa ‘E.A.T.’: Nagkamali po ako doon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.