Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga | Bandera

Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

Therese Arceo |June 23,2023
facebook
share this

Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

Therese Arceo - June 23, 2023 - 01:04 PM

Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

NAIKUWENTO ng komedyanteng si Jose Manalo na tinawagan raw siya ng Kapuso star na si Buboy Villar.

Sa isang panayam sa komedyante na mapapanood sa YouTube channel ni Dondon Sermino ay natanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”.

“Siyempre may iba silang gamit… may sarili na silang idea. May sarili na silang atake, respetuhin na lang natin ‘yun. Siyempre iba rin ‘yung atake namin sa atake nila so hindi pwedeng magkapareho halos talaga,” saad ni Jose.

Dagdag pa niya, “Pareho ‘yung ginagawa pero the way paano umatake, hindi naman siguro [parehas].”

Chika pa ni Jose handa naman siyang batiin at kausapin ang mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” sakaling makasalubong niya ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

“Iko-congrats ko lang naman sila… Good job ‘di ba kasi may trabaho sila,” sabi ng komedyante.

Inamin rin niya na tumawag sa kanya ang isa sa mga bagong hosts na si Buboy Villar isang araw bago mag-live ang “Eat Bulaga”.

“Si Buboy, bago ‘yung… the night before noong live tumawag sa akin, umiiyak talaga. ‘Kuya Jose, sorry’,” pagbabahagi niya.

Naikuwento rin niya na noong bata pa ang Kapuso star ay natulungan niya ito.

“Si Buboy kasi bata pa ‘yan, maliit, pinapakanta ko na sa Klownz yan. Wala silang pambili ng ganito… pinasasampa ko [siya sa stage]. ‘Yung tip na nakukuha ko, binibigay ko sa kanilang mag-ina,” lahad ni Jose.

Dagdag pa niya, “Nakasama pa namin sa movies so alaga rin naman natin si Buboy, wala namang problema. Makulit lang talaga ang bata na ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, muling magbabalik sa telebisyon si Jose kasama ang TVJ at iba pang mga legit dabarkads sa kanilang bagong programa sa TV5 simula July 1, 2023.

Related Chika:
Jose Manalo nagka-ACL injury dahil sa basketball, nakalaban ang mga dating PBA superstars

JoWaPao ng Dabarkads tatapatan ng ‘BuLoTong’ nina Buboy, Paolo at Betong sa bagong ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending