Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’

Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

Pauline del Rosario |June 19,2023
facebook
share this

Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

Pauline del Rosario - June 19, 2023 - 03:14 PM

Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’

PHOTO: Instagram/@buboyvillar

HINDI totoong lilisanin na ng actor-comedian na si Buboy Villar ang bagong bihis na noontime show na “Eat Bulaga.”

Ito ang nilinaw mismo ni Buboy sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” matapos kumalat ang tsismis na nag-resign na siya bilang host ng nasabing show.

Pangako pa ng komedyante, patuloy siyang magpapasaya sa mga manonood.

Kasabay niyan ay ipinaliwanag ng aktor na may mga araw na hindi siya mapapanood sa Eat Bulaga dahil ito ay conflict sa schedule ng kanyang ibang proyekto.

Bukod kasi sa nasabing programa, kabilang rin si Buboy sa Sunday variety show ng GMA na “All-Out Sunday.”

Baka Bet Mo: Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong ‘Eat Bulaga’ kapalit ng TVJ at original Dabarkads?

“[Buboy Villar] says that may mga pagkakataon na maaaring hindi siya makakapag-host because of his commitments to his other shows,” anunsyo ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda.

Dagdag pa sa inilabas na pahayag ni Buboy, “Gusto ko lang po linawin na hindi po totoo ang mga kumakalat na balita na ako ay nagpaalam na sa noontime show na ‘Eat Bulaga.’ Patuloy pa rin po akong magpapasaya sa ating mga Dabarkads.”

Kasabay rin nito ay nagpaabot din ng pasasalamat ang komedyante sa lahat ng supporters ng Eat Bulaga dahil malugod siyang tinanggap bilang isa sa bagong hosts nito matapos mamaalam ang OG hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon (TVJ).

“Sa mga Kapuso at mga Dabarkads, una sa lahat lubos po akong nagpasalamat sa Diyos sa mga biyayang aking natatanggap at sa lahat ng mga sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin,” saad sa pahayag.

Matatandaan noong June 5 nang opisyal na ipinakilala si Buboy na isa sa host ng naturang noontime show.

Kasama niya riyan sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Alexa Miro, at Isko Moreno.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buboy gagawin lahat para matalo ang mga kalaban sa ‘Running Man’: Kaya ko silang laruin at paikutin sa mga palad ko

Buboy Villar ginugulpi noong bata: Isinumpa ko po yung tatay ko dati…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending