Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong 'Eat Bulaga' kapalit ng TVJ at original Dabarkads? | Bandera

Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong ‘Eat Bulaga’ kapalit ng TVJ at original Dabarkads?

Ervin Santiago |June 04,2023
facebook
share this

Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong ‘Eat Bulaga’ kapalit ng TVJ at original Dabarkads?

Ervin Santiago - June 04, 2023 - 01:18 PM

True ba...Kuya Kim, Paolo, Buboy, Betong, Mavy, Cassy babandera sa bagong 'Eat Bulaga' kapalit ng TVJ at original Dabarkads?

Buboy Villar, Kim Atienza at Paolo Contis

BALITANG sumabak na kahapon, June 3, sa matinding rehearsal ang mga bagong hosts ng longest-running noontime show sa bansa na “Eat Bulaga” na mapapanood pa rin sa GMA 7.

Kung wala nang magiging problema, bukas, June 5, na magla-live ang kontrobersyal na programa kasama ang mga napiling host na papalit kina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba pang Dabarkads na nag-resign sa TAPE, Incorporated.

At kung hindi na magbabago ang desisyon ng management ng noontime show, ilan sa magiging host ng bagong “Eat Bulaga” ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Archie Alemania, Betong Sumaya, ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, at ang girlfriend ni Zandro Marcos na si Alexa Miro.

May balita rin na makakasama rin sa episode bukas ng “Eat Bulaga” si Kim Atienza. Kumakalat din ang chika na inaalok din umano si Pokwang ng TAPE, Incorporated para maging regular host ng programa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bukod dito, may nga Sparkle talents din ang magpe-perform sa show mula Lunes hanggang Sabado.

Sa YouTube channel nina nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ay napag-usapan din ang mga papalit sa TVJ at original “Eat Bulaga” Dabarkads.

Baka Bet Mo: Maine, Ice, Rochelle, Pauleen, ilan pang artista nagpasalamat sa Eat Bulaga: ‘Hanggang sa muli, Dabarkads!’

“Ang mga isasalang daw po ay mga artista ng Sparkle ng GMA 7. Iyon daw yung mga kabataang artista ng Sparkle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ano ang sabi ng ating mga kababayan, ‘yon ba ang sinasabi nilang higit pa sa isang libo’t isang tuwa na ibibigay nila, eh ni hindi nga namin alam kung sino ang isasalang nila,” pahayag ni Nanay Cristy.

“Puwede kayang maglagay sila ng name plate?” dagdag pang sey ng veteran showbiz columnist na sinegundahan ni Romel ng, “Parang school lang? Unang araw?”

“Kasi nga po, hindi pa po pamilyar ang ating mga kababayan sa mga artista, sa ibang artista ng Sparkle. Natural lang po na hanapan pa nila ng indibidwalidad ang mga artistang ito,” ang sabi pa ni Nanay Cristy sa isang episode ng “Showbiz Now Na.”

Well, abangers na nga ang lahat kung sinu-sino ang mga magsisilbing bagong hosts ng “Eat Bulaga” bukas ng tanghali. And let’s see kung tatanggpin sila ng mga manonood pagtatapos ang madamdaming pamamaalam ng mga Dabarkads last Wednesday.

Tito Sotto nangakong itutuloy ang ‘Eat Bulaga’ online: Target po namin umabot ng 50 years!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Hindi na kumpleto ang Eat Bulaga kapag nawala ang TVJ’ – Ruru Madrid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending