Lolit Solis natatawa sa mga nagtatanong kay Paolo Contis ukol kay LJ Reyes, sinabing 'maligaya' na sa piling ni Yen Santos | Bandera

Lolit Solis natatawa sa mga nagtatanong kay Paolo Contis ukol kay LJ Reyes, sinabing ‘maligaya’ na sa piling ni Yen Santos

Therese Arceo |June 02,2023
facebook
share this

Lolit Solis natatawa sa mga nagtatanong kay Paolo Contis ukol kay LJ Reyes, sinabing ‘maligaya’ na sa piling ni Yen Santos

Therese Arceo - June 02, 2023 - 10:57 PM

Lolit Solis natatawa sa mga nagtatanong kay Paolo Contis ukol kay LJ Reyes, sinabing 'maligaya' na sa piling ni Yen Santos
NAGTATAKA ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa mga taong patuloy pa ring nagtatanong sa kanyang alagang si Paolo Contis ukol kay LJ Reyes.

Kaliwa’t kanan kasi ang nagtatanong ngayon sa Kapuso actor matapos ibahagi ni LJ sacmadlang onliners ang kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang kanyang pahayag ukol sa pagtatanong at paghingi ng mensahe ng mga tao mula sa kanyang alaga.

“Nakakatawa Salve na hangga ngayon tinatanong parin si Paolo Contis tungkol kay LJ Reyes. Matagal ng hiwalay landas ng dalawa.

“May kanya kanya na silang buhay. Palagay ko naman maligaya na sila sa kanilang mga bagong journey sa buhay,” saad ni Lolit.

Chika pa niya, ok naman a si LJ ngayon at naatagpo na rin ito ng bagong pag-ibig. Si Pail naman ay umamin na rin sa relasyon nila ni Yen at happy na rin sila kaya wala na raw problema.

Baka Bet Mo: Lolit Solis sa viral ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: Wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Your happiness is your choice. What will make you happy ikaw lang puwede mag decide. Kaya kung saan sila maligaya duon sila,” talak ni Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Sayang naman ang oras nila na sasayangin kung hindi nila matagpuan ang taong magbibigay ligaya sa kanila.”

Hiling pa ni Lolit, sana raw this time ay totoo na at talagang ang taong para sa kanila na ang natagpuan nina Paolo at LJ.

“Masarap lang lakbayin ang journey ng buhay kung kasama mo ang taong mahal mo. Masarap harapin kahit anong pagsubok kung katabi mo ang mahal mong tao. Kaya nga sana, now nakita na nila LJ Reyes at Paolo Contis ang mga makakasama nila sa journey nila sa buhay.

“Dapat pareho silang maligaya sa journey nila, dahil iyon ang pinili nila. At sana nga maging happy na sila dahil deserving sila ng ligaya na dapat madama nila sa buhay,” lahad pa ni Lolit.

Aniya, “How sad naman kung hangga ngayon maging mailap parin sa kanila ang happiness. Let them be happy. Kung anuman ang mahanap nila para sa kanilang puso, sana iyon na, pang matagalan na. Forever na, bongga.”

Matatandaang 2021 nang maghiwalay sina LJ at Paolo matapos ang anim na taon nilang pagsasama. Nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng isang anak na si Summer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako

Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending