Jose Manalo nagka-ACL injury dahil sa basketball, nakalaban ang mga dating PBA superstars
NAGKA-INJURY rin pala ang TV host-comedian at Dabarkads na si Jose Manalo nang dahil sa paglalaro ng basketball.
Nagkuwento ang “Eat Bulaga” host hinggil dito sa isang episode ng “Bawal Judgmental” segment ng kanilang noontime show sa GMA last week.
Ayon kay Jose nagkaroon siya ng anterior cruciate ligament (ACL) injury noon sa kaliwang binti nang “maaksidente” habang nakikipaglaro basketball.
Na-shock ang mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga” nang ibahagi ng beteranong komedyante sa mga manonood kung paano niya nakuha ang kanyang injury.
“Ito ‘yung kaliwa ko, sa basketball, may ACL injury ako,” simulang pagbabahagi ni Jose sa nasabing episode ng “Bawal Judgmental” kung saan ang mga naging choices ay mga athlete na nagkaroon ng sports-related injury.
“Ang kailangan naman dito, continous ang laro, continuous ang pagpapalakas,” aniya pa.
Dugtong pa niya sa dahilan kung paano niya nakuha ang injury, “Kasi tumama sa ring ito eh, pag-lay up ko.”
Kasunod nito ay natatawa niyang binanggit ang mga nakalaro niya noon sa basketball — mga kilalang PBA players ang nakalaban nila nang magka-injury siya.
“Pag-lay up kong ganu’n, tapos sumabay ‘yung Vergel Meneses, iniwas ko (kanan). Tapos pag-ganito, si Johnny Abarrientos, iniwas ko uli (kaliwa). Tapos tumiwst ako 360, pagganu’n ko sumobra pala. Tak!” ang nakakalokang pahayag pa ni Jose.
Naichika ng TV host-comedian ang tungkol dito nang matanong ang isa sa mga choices na isang MMA fighter, si Jasper Meria, na nakipagbakbakan pa rin kahit may iinjury.
Aniya, bago mapasabak sa MMA, naging boksingero rin siya kaya may pagkakataon na nadi-disclocate ang kanyang balikat.
“Kaya po nag-transition ako sa mixed martial arts, para in case nasa laban ako tapos na-dislocate, may paa pati kamay pa naman akong isa,” pahayag ni Jasper.
Aniya, naging dahilan ng paghinto niya sa pakikipaglaban ang nasabing injury.
“Nag-stop ako noong huli, parang nag-doubt na ako eh, na palagi na lang nakakalas. Kasi kahit natutulog ka tapos nakaganiyan (kamay sa likod ng ulo), makakalas siya.
“Habang nakakalas po kasi siya, ‘yung buto ko nakakadkad,” pahayag ni Jasper.
Dagdag pa niya, kinailangang gamitan ng titanium needle ang kanyang balikat at baka raw abutin ng tatlong taon bago siya tuluyang gumaling.
Nagtuturo ngayon si Jasper sa mga kabataang nais subukan ang MMA.
Herlene Budol itinangging ginamit lang siya ni Kuya Wil: Napakabait n’yang tao
Tony Labrusca inabswelto ng korte sa kasong slight physical injuries, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.