Herlene Budol itinangging ginamit lang siya ni Kuya Wil: Napakabait n'yang tao | Bandera

Herlene Budol itinangging ginamit lang siya ni Kuya Wil: Napakabait n’yang tao

Therese Arceo |March 24,2022
facebook
share this

Herlene Budol itinangging ginamit lang siya ni Kuya Wil: Napakabait n’yang tao

Therese Arceo - March 24, 2022 - 06:16 PM

Herlene Budol itinangging ginamit lang siya ni Kuya Wil: Napakabait n'yang tao

SINAGOT ni Hipon Girl o si Herlene Budol sa totoong buhay ang mga akusasyon na may kaugnayan sa kanila ng TV host-comedian na si Willie Revillame.

Sa kanyang vlog kasama si Pastillas Girl o si Angelica Yap in real life, sinagot nila ang mga hate comments na ibinabato sa kanila ng mga netizens at nabanggit nga rito si Kuya Wil.

Comment ng netizen na binasa ni Pastillas Girl, “Siguro kaya ka tinanggal sa ‘Wowowin’ kasi nalaspag ka na ni Kuya Wil?”

Agad namang nag-react si Herlene sa malisyosong comment ng netizen.

Aniya, “Grabe naman! Napakasama naman ng mga ugali n’yo! Nalaspag? Hindi naman.”

“Iyon ‘yung gusto kong linawin din kasi sabi kasi nila, lahat daw ng mga pumapasok kay Kuya Wil, tinitira ni Kuya. Napakabait na tao ni Kuya Wil!”

Ikinuwento pa nga ni Herlene ang nakaraang encounter niya kasama ang TV host-comedian nang mamaalam ang programa nito sa ere matapos ang hindi niya pag-renew ng kontrata sa Kapuso network.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

 

“Napakasama n’yo naman. Tumutulong na nga sa kapwa tao e.”

Pag-amin ni Herlene, isa siya sa mga natulungan noon ni Willie.

“Isa ako sa mga bi-nuild niya. Kung wala si Kuya Wil, walang Hipon sa inyong harapan kaya ‘wag kayong magsasabi ng hindi n’yo pa alam na istorya,” lahad niya.

“Doon ako natuto kung paano ako makipag-kapwa tao. Halos kalahati ng utak ko, siya ‘yung nag-ambag,” sey ng dalaga.

Nilinaw rin ni Herlene na hindi siya ang klase ng tao na inaakala ng marami.

“Hindi naman ako ganoong klase ng babae. Talagang love ko siya as a tatay. Kumbaga, tatay ko siya sa showbiz e. Sobrang laki ng utang na loob ko doon,” pagpapatuloy niya.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang si Willie Revillame ang nagbukas ng pinto para mapasok ni Herlene ang mundo ng showbiz nang imbitahan soya nito na maging isa sa mga hosts ng kanyang show na “Wowowin”.

Marami kasi ang naaliw noon sa mga hirit ng dalaga nang sumali ito sa isang segment ng show na “Willie of Fortune” kaya naman pinagbigyan ng TV host ang hiling ng madlng pipol at tuluyan na ngang naging parte ng show ang dalaga.

Matapos ang isang taon ay nawala ito sa naturang show pero kahit na ganoon ay nananatili pa rin ang pagmamahal at respeto ni Herlene para sa unang taong naka-appreciate at nagbigay ng oportunidad sa kanya sa show business.

Related Chika:
Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending